Una sa Balita

Jolo, Angelica sa US ang wedding

0 590

abante-anything-goes-jun-lalinSa US pala magpapakasal si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at ang fiancée niyang si Angelica Alita.

Wala pa namang kumpirmas­yon mula sa actor/politician tungkol sa sinasabing engagement nila ni Angelica, pero ang tsika, nag-propose raw si Jolo nang mag-Boracay sila.

Inaayos na rin daw ni Jolo ang kasal nila ni Angelica sa US sa buwan ng December.

Wow!

Mukhang sobrang in love naman si Jolo kay Angelica at sobrang sweet sila kapag magkasama, kaya marami talaga ang naniniwalang magpapakasal na nga ang dalawa lalo na at mukhang engagement ring ‘yung diamond ring na suot-suot ni girl sa mga litrato nila ng actor/politician.

Sikat na aktor ‘di na mabenta sa commercial

Hindi na pala iri-renew ng isang kompanya ang endorsement deal sa kanila ng isang sikat na aktor dahil hindi naman masyadong naging mabili ang produktong in-endorse nito sa kanila.

Pero in fairness daw kay aktor, mabait naman daw ito.

Noong endorsement shoot/pictorial daw ni aktor, kahit may mga nagsasabing supladito ito ay naging nice naman ito habang nasa set at magaling nga raw makisama.

Ang isang aktres na endorser din nila ang hindi raw nila masyadong nagustuhan dahil natataranta sila dahil sa time limit na ibinigay sa kanila ng handler.

Hindi rin daw nagpo-post sa social media si aktres dahil hindi nila na-include ‘yon sa kontratang pinapirmahan dito.

Pero baka naman sinusunod nga lang ni aktres ang kontrata niya sa nasabing produkto, kaya hindi niya sine-share sa social media accounts niya ang product endorsement niyang ‘yon.

May mga celebrity kasi na “very generous” at kahit wala sa endorsement contract nila ay nagpo-post sa social media.

Baka sinusunod lang ni aktres ang bilin ng kanyang manager.
Anyway, kahit hindi na rin kasi iri-renew ng produktong ‘yon si aktres bilang endorser ay marami pa naman siyang ibang endorsements deal.

Love life ni Pops bawal nang ungkatin ng press

Kahapon ginanap ang “Feelennial (Feeling Millennial)” presscon nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani. Ako ang pinag-host sa presscon dahil isa si Pops Fernandez sa mga producer.

Ka-join din si Pops sa Question & Answer ng cast ng “Feelennial.” Ibinilin sa akin na huwag mag-entertain ng tanong tungkol sa love life ni Pops.

Biniro ko ang original Concert Queen na talagang may ganoong bilin at natawa na lang siya. Palagi raw kasi siyang tinatanong about her love life kahit wala naman.

Sabi ko kay Pops, palagi kasi siyang blooming at mukhang in love, kaya pala­ging pinagdududahan na in love kahit wala naman talaga siyang boyfriend, huh!

Sabi naman ni Pops, palagi siyang blooming dahil happy siya sa magandang feedback ng trailer ng “Feelennial.”

Gano’n? Parang masyadong PR, ‘noh?!

Anyway, sa June 19 na ang showing ng “Feelennial” at puring-puri ni Pops sina Ai Ai at Bayani na masipag daw mag-promote!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy