Una sa Balita

Jolo-Angelica kasal dededmahin ng mga kamag-anak

0 822

May travel fatigue na raw si Manay Lolit Solis kaya hindi raw talaga siya pupunta sa kasal ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla kay Angelica Alita. Gustuhin man ni Manay Lolit dahil pamilya na ang turing sa kanya ng mag-asawang Senator Bong at Bacoor City Mayor Lani (Mercado) Revilla, hanggang Asia na lang daw ang kaya niyang puntahan.

“Pero maraming mga pupunta. Si (Davao City Mayor) Sara Duterte, pupunta raw. Pati si Senator Cynthia (Villar), pupunta rin daw!” sabi ni Manay Lolit.

Ang alam ni Manay Lolit, si Senator Manny Pacquiao ang hindi makakapunta dahil, “‘Di ba, magbi-birthday rin, may pa-party yata, kaya ang alam ko, hindi makakapunta talaga sa wedding nina Jolo at Angelica!”

Ang alam ko, ang ibang malalapit kay Jolo ay hindi rin makakapunta like her auntie na si Antipolo City Andeng Revilla-Ynares dahil halos walang maiiwan sa patriarch nilang si Ramon Revilla.

Sa Pelican Hills sa Newport Beach, California magaganap ang kasal nina Jolo at Angelica on December 15.

Alden sa Korea magpa-Pasko

Hanggang sa December 20 lang magwo-work si Alden Richards and he will go on a Christmas break sa Korea with his family at sa December 29 na raw ang balik nila.

Bale sa bansa magnu-New Year si Alden dahil may New Year’s countdown ang Kapuso at join siya roon.

Nanay ni Boy sa Samar ililibing

Noong Wednesday night, after ng mass at eulogy para sa yumao niyang ina na si Nanay Lesing, nag-taping pa ng two episode para sa “The Bottomline” show niya ang TV host/talent manager na si Boy Abunda.

From ABS-CBN naman, bumalik sa Arlington si Kuya Boy para personal na asikasuhin ang pag-aalis ng mga gamit sa burol ng kanyang nanay.

Mga past 1:00AM na ay nasa Arlington pa si Kuya Boy kahit maaga rin kahapon ang alis nila pa-Samar para dalhin doon ang urn na naglalaman ng abo ni Nanay Lesing.

Bale may lamay pa roon at sa Monday raw ay siguradong balik-Maynila na siya at may taping na ng “Tonight with Boy Abunda”.

‘Yung unang episode na iti-tape nila ay ipapalabas din sa Monday night.

“Four episodes kaagad ang gagawin ni Kuya Boy,” sabi ng isang staff ng “TWBA”.

Marami ang humanga dahil nagtrabaho pa rin si Kuya Boy kahit alam naman ng lahat na emotional siya sa pagkawala ng pinakamamahal niyang ina!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy