Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jollibee Group, nagbahagi ng pagkain sa mga komunidad na apektado ng kalamidad

0 398

Text

Description automatically generated

Ginamit ng Jollibee ang galing nila sa meal preparation at product development para makagawa ng pagkaing mura, masarap at hitik sa nutrisyon. 

Bilang tugon sa mga komunidad na apektao ng pandemya at ng mga nagdaang bago, nag-develop at nagpamahagi ng ready-to-cook na Chicken Guisado at Beef Meatballs ang Jollibee Group.

Ilan sa mga nakatanggap ng Jollibee Chicken Guisado ang Pangarap Village sa Caloocan City. “Nagsara ‘yong mga pinagtatrabahuan ng ilan sa kanila noong lockdown. Tapos ‘yong mga jeepney drivers, natigil din ang pasada nila kasi limited ang public transport. Iyong iba, namamalimos na nga para lang may kita,” sabi ni Merlyn Lopez-Sunga, Development Management Officer at Area Coordinator ng Presidential Commission of the Urban Poor (PCUP), na naging katuwang ng Jollibee Group sa pagbibigay ng tulong sa mahihirap nitong pandemya. 

Nakatanggap ang mga residente ng Pangarap Village, Caloocan City ng Chicken Guisado ng Jollibee Group. Mura, masarap at hitik sa nutrisyon ang Chicken Guisado mula sa Jollibee Group. Parte ito ng FoodAID Program ng Jollibee Group na layong pakainin ang frontliners at mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic. 

SM food to go Banner Ad

“Tuwang-tuwa sila [ang mga nakatanggap] kasi hindi de-lata. Napakalaking tulong na sa kanila ‘yong may uulamin sila sa loob ng ilang araw, tapos masustansiya pa,” ayon kay Sunga.

“We have the potential to serve healthy meals to more people through these Chicken Guisado and Beef Meatball products. Imagine, every P20-worth of donation will already be able to share a hearty and filling meal with a person in need,” pahayag ni Jollibee Group Foundation Executive Director Gisela Tiongson.

Nakapagbigay na ang Jollibee Group ng 18,405 packs ng Chicken Guisado at Beef Meatballs, na nakatulong sa 115,995 na kataong apektado ng pandemya at nagdaang mga bagyo. Katulong nila ang Temasek Foundation ng Singapore, na nagbigay ng grant para makatulong sa mas maraming komunidad. 

Hindi lang bagong produkto ang hatid ng Jollibee Group. GInawa rin nilang mas madali ang pagbibigay ng donasyon sa Jollibee Group FoodAID Program. Para sa mga gustong magbigay ng tulong, maaaring magpadala sa pamamagitan ng online bank transfer sa Metrobank (account number: 473-7-473-01406-4, SWIFT Code: MBTCPHMM) account at RCBC (1253-10519-0) account ng Jollibee Group Foundation. Maaari ring magpadala sa pamamagitan ng PayMaya (http://pymy.co/jollibee). Simula ngayong buwan, puwede na ring mag-donate sa pamamagitan ng GCash at GrabRewards. 

A picture containing graphical user interface

Description automatically generated

JGF ang social development arm ng Jollibee Group, isa sa pinakamalaking kompanya ng Asian restaurants sa buong mundo. Kasama ng kanilang mga ka-partner na organisasyon at komunidad, pinamumunuan nila ang mga programa sa agrikultura, edukason at disaster response.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.