Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jollibee Group Foundation, kasama ang women farmers sa pagsulong ng agrikultura

0 124

Lubos na kinikilala ng Jollibee Group Foundation (JGF) ang mga kababaihan na handang harapin ang iba’t ibang hamon, kagaya ni Imee Patingo, 41 taong gulang at isang magsasaka mula Nueva Ecija. Nagkwento si Imee na bago siya naging miyembro ng MASIFAGCA Pangkabuhayan, Inc. (MASIFAGCA) ay wala siyang sapat na karanasan sa pagtatanim.

Isa si Imee Patingo sa mga calamansi farmers mula Nueva Ecija na tinutulungan ng Jollibee Group
Foundation Farmer Entreprenuership Program

“Sa Tondo po ako lumaki. Pagdating ko po dito sa Nueva Ecija, wala po akong alam tungkol sa pagtatanim. & Yong pagtatanim, paghaharvest ng calamansi ang pinakapinagkakakitaan po talaga ng mga tao dito kaya pinag-aralan ko na rin.” ani Patingo.

Ang kaniyang pagsusumikap at kagustuhang matuto sa pagsasaka ang naging susi upang siya ay maging isang skilled agro-entrepreneur na nagsisilbing inspirasyon sa kaniyang komunidad. Karamihan sa 13 active farmer-members ng MASIFAGCA ay kababaihan, kung saan si Patingo ang siyang nangangasiwa ng nasabing grupo.

Sa pamamagitan ng Farmer Entrepreneurship Program (FEP) ng JGF, binibigyan ng oportunidad ang mga kagaya ni Patingo at iba pang magsasaka upang mas hasain pa ang kanilang kakayahan sa pagsasaka. Nagbibigay rin sila ng payo at pagsasanay ukol sa pagnenegosyo upang masigurong kikita sila sa kanilang pagsasaka.

“Through various trainings and coaching, FEP encourages farmer clusters to make sure that all members contribute to their success and remind them that they can all be leaders regardless of gender,” pahayag ni JGF Executive Director Gisela Tiongson.

Makikita sa larawan ang mga magsasaka ng MASIFAGCA. Sa pamamagitan ng Farmer Entrepreneurship Program ng Jollibee
Group Foundation, tinutulungan nila ang mga ito upang maging mas mahusay na entrepreneurs.

Tulong-tulong sa pagsulong

Unang ipinakilala ng Tulay sa Pag-unlad, Inc. (TSPI) ang programang FEP sa mga calamansi farmers noong 2017. Noong susunod naman na taon ay itinaguyod ang MASIFAGCA at nagsimula na din itong magbenta at magdeliver sa Jollibee Group.

Bukod sa pagtuturo ng FEP ng supply management at financial planning, ang mga MASIFAGCA farmers ay natututo rin kung papaano mag bid sa tamang halaga at dami. Noong una, ang karamihan sa kanila ay nagaalangan pa na gumamit ng advanced technology, ngunit mas nanaig ang kanilang kagustuhang matuto upang mas mapalago pa ang kanilang agro-enterprise.

Bago sila naging supplier sa Jollibee Group, umaasa ang mga ito sa middlemen o traders para ibenta ang kanilang produkto sa karatig bayan. Wala silang kontrol sa presyo ng kanilang produkto kung kaya’t wala silang magawa kung hindi tanggapin ang maliit na halaga na kanilang kinikita.

“FEP ensures that everyone benefits from the trainings and skills expansion. It is not enough that the leaders know how to apply these learnings, each member must take part and contribute. With this, more and more farmers are being empowered in the field,” ani Aquilina Onesa, Head of Alliance and Programs Group ng TSPI.

Bukod sa extensive trainings at farming techniques, nagbibigay rin ang JGF ng tulong pinansyal upang makatulong sa pagsasaayos ng kanilang sorting area at storage room. Ang TSPI ay nagbibigay rin ng pondo para sa monitoring at iba pang gamit na kinakailangan sa pag-tuturo.

Nakatanggap ng printer at laptop ang MASIFAGCA mula sa Tulay sa Pag-Unlad, Inc upang makatulong sa pangangasiwa ng kanilang grupo.

Kwento ng tagumpay

Simula August 2018 hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang MASIFAGCA sa pagdedeliver ng Calamansi sa Jollibee Group maski pa nakakaranas tayo ng pandemya.

Ang accreditation status nila sa Jollibee Group ay nakatulong rin sa kanila upang makahanap ng iba pang mas malalaking buyers. Bukod sa calamansi, ang Jollibee Group ay naghahanap din ng mapagkukuhanan ng iba pang gulay mula MASIFAGCA.

Ang MASIFAGCA ay ang kauna-unahang grupo na kinikilala ng Jollibee Foods Corporation (JFC) Supplier Summit. Nagkamit ito ng Bronze Award noong 2021 dahil sa kanilang mahigpit na pag-comply sa suppler requirements ng Jollibee Group.

Tumutulong rin ang MASIFAGCA sa mga out-of- school youth sa Nueva Ecija sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng trabaho. Sila ang pumupili ng mga calamansi at nagsisilbi rin silang porters upang mag document at tumulong sa delivery process.

Para naman kay Patingo, ipinapasa niya ang kaniyang mga natutunan sa pamamagitan ng samu’t saring livelihood programs para makatulong sa kanilang komunidad. Sinabi ni Patingo na gusto niyang tulungan ang iba pang magsasaka para mas umunlad pa ang kanilang kinabukasan.

“Mangarap tayong umasenso, ano man ang kasarian o katayuan natin sa buhay. Kailangan lang buksan ang isip natin, puso natin sa mga posibilidad na pwedeng pumasok. Kailangan po natin mag-isip kung ano pa ‘yong mga bagay na pwede pa natin ikaunlad sa pangkabuhayan, o sa kaalaman. Huwag matakot matuto,” pagtatapos ni Patingo.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa Jollibee Group Foundation Website  at ang Jollibee Group Corporate Website

Leave A Reply

Your email address will not be published.