Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jollibee Chickenjoy, hinirang bilang isa sa pinakamasarap na fried chicken sa Amerika

0 293

Sikat na sikat ang Chickenjoy; hinirang na isa sa pinakamasarap na fried chicken sa Amerika.

Pinarangalan ng US-based publication na RedBook Magazine ang “crispylicious and juicylicious” Jollibee Chickenjoy bilang pang-apat na paboritong fried chicken ng mga Amerikano – mas mataas ang ranggo sa ibang malalaking fast-food sa Amerika.

“Jollibee is the Filipino fried chicken chain that’s about to take over the United States,” papuri ng RedBook Magazine. “If you’re skeptical, check out this recent New York Times story heralding the chain’s first Manhattan location earlier this year. ‘The pleasures of Chickenjoy, as it’s called, are immediate: The sheath of skin is as craggy as a thunderhead, crannies and crunch multiplying.’ Uhm, I’ll have some of that, please! Chickenjoy is served in bone-in pieces buckets, or you can opt for Chicken Dippers, which are the boneless tenders.”

Hindi ito ang unang pagkakataong kinilala ang sarap Jolllibee Chickenjoy. Hinirang na rin ito bilang pinakamasarap na fried chicken ng Foodbeast, Yahoo Singapore at South China Morning Post. Pinangalanan ding isa sa “top international food chains” ang Jollibee ng Thrillist at The Daily Meal. Ayon naman sa yumaong celebrity chef na si Anthony Bourdain, ang Jollibee ay ang “wackiest, jolliest place on Earth.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.