Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jollibee bibida sa Malaysia

0 38

Target ngayon ng Jollibee Foods Corporation (JFC) na magbukas ng 120 branch sa Malaysia.

Ayon sa ulat, bumubuo ito ng isang joint venture sa pamamagitan ng pag-aari nitong Golden Plate Pte. Ltd. (GPPL), isang kompanya sa Singapore.

Pumasok ang GPPL sa isang kasunduan sa Beeworks Investment Pte. Ltd. (BIPL) para magmay-ari at makapag-operate ng mga Jollibee store sa West Malaysia na sakop ang Kuala Lumpur.

Sa kasunduan, magtatayo sila ng kompanya sa Malaysia kung saan 30% ay pag-aari ng GPPL habang 70% sa BIPL.

Maliban sa Malaysia, mayroon nang mga Jollibee store sa Vietnam, Singapore at Indonesia. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.