Una sa Balita

Jolina stress na stress sa pagbubuntis

Laging masakit ang tiyan

By
0 1,946

Naku, dahil pala sa paraan ng kanyang pagkain, kaya hirap sa pagbubuntis sa kanyang second baby ang Magandang Buhay host na si Jolina Magdangal.

Unlike sa una niyang pagbubuntis, kung anik-anik ang nararamdaman niya ngayon na estrange ito sa kanya nawi-windang ang beauty niya.

Kahit naman daw maganda ang tulog niya at nakapagpahinga siya, laging masama ang tiyan niya, feeling bloated raw siya, na parang hindi siya makahinga na nasusuka kaya kailangan daw niyang humiga at magpahinga pa.

Siyempre, worried din siya na baka epekto ito ng pagkakaaksidente niya noon, huh!

Kaya nga raw, noong isang araw na nasa Tagaytay sila para magbakasyon, kinakailangan nilang umuwi ng maaga para magpa-check dahil iba raw talaga ang pakiramdam niya.

Siyempre, worried siya dahil nasa ika-17th week pa lang siya ng pagbubuntis at ‘yun nga, hindi niya ito naranasan kay Pele.

Ayon nga sa kanyang OB-GYNE, kailangan lang niyang iwasan ang sobrang stress dahil nararamdaman ito ng bata at baguhin ang paraan ng kanyang pagkain.

Sa ngayon, wala pang sinasabi ang mag-asawa kung ano ang gender ng kanilang dyunakis, basta happy sila na growing healthy ang kanilang anak.

Jane at Kyle engaged na?

Promise ring lang daw ang suot-suot ni Jane Oineza na bigay sa kanya ng kanyang dyowang si Kyle Secades na ka­tulad niya ay dati ring PBB housemate.

Mula nang maging officially on sila, lagi na raw niya itong suot hanggang napansin nga ito ng netizens at pinagdudahang isa itong engagement ring.

Itinanggi ito ni Jane dahil napakaaga pa raw para pag-isipan nila ang lumagay sa tahimik lalo na at ngayon lang halos umaariba ang kanyang career, noh!

Pareho pa nilang tinatrabaho ang kani-kanilang careers at wala pa sila sa puntong pinag-uusapan ang tungkol sa pag-build ng sarili nilang pamil­ya together.

Go with flow lang ang drama nila at enjoy-enjoy sa kanilang budding relationship.

Pagbawas pa ng kanyang timbang at hindi pag-aasawa ang isa sa kanyang perso­nal goals ngayong taong 2018.

Dapat lang!