Una sa Balita

Jolina at pamilya safe na mula sa aksidente

By
0 172

Ligtas na si Jolina Magdangal at pamilya nito matapos ang car accident sa kahabaan ng East Avenue sa Quezon City itong Lunes ng umaga.

Sa report, ang SUV car ng aktres kungsaan naroon ang asawa nitong si Mark Escueta at anak nito ay binangga mula sa likuran ng isang puting van.

Patungo sana ang mag-anak sa airport pa-Hong Kong nang mangyari ang aksidente. Ayon sa kanila ay nakahinto ang kanilang sasakyan dahil pula ang traffic sign at nakatulog umano ang nakabangga sa mga ito.

Dahil sa lakas ng matindi ang wasak ng kanilang sasakyan, nagtungo agad ang pamilya sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City.

Ang nangyaring aksidente sa aktres na si Jolina Magdangal at pamilya nito matapos banggain ang kanilang sasakyan ng isang puting van sa kahabaan ng East Avenue, Quezon City itong umaga ng Lunes. (mula sa Facebook ni Mark Escueta)

Ayon sa Facebook post ng ni Mark, safe na silang pamilya at nakauwi na ng bahay.

“Nagpa CT Scan at XRay si Jolina, ako naman XRay lang. Wala namang nakitang problema so at around 6am, dinischarge na kami. Kailangan lang observe for the next few days. Thank you Lord,” ayon sa post ng musician.

Nagpapasalamat naman ni Jolina sa lagay nila ngayon lalo na at ligtas ang kanilang anak,

“Hi everyone! Thank you sa lahat ng prayers at nagtext sa amin. Ok na kami. Ang pinaka importante ay Pele is perfetly fine. Konti nalang sakit ng ulo ko dahil sa bukol,” ayon sa bahagi ng Instagram post ng aktres.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy