Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jolina kinilig sa regalo ni Leni

0 70

Nakuha na ni Jolina Magdangal ang headband na ibinigay sa kanya ni Vice President Leni Robredo.

Napanood namin ang Facebook Live ni VP Leni kunsaan, naalala siya at ipinagpaalam sa nagbigay rito na kung pwede, ibibigay niya kay Jolina ang headband na regalo sa kanya. Nagpasalamat din si VP Leni kay Jolina at sa kanyang Mister na si Mark Escueta at pinuri ang dalawang anak nila na sina Pele at Vika.

Obviously, ibinigay kay Jolina ang naturang headband nang mag-perform siyang muli sa “Tayo Ang Liwanag” thanksgiving nina VP Leni at Sen. Kiko sa Ateneo noong Biyernes, kunsaan, hindi napigilan ni Jolina ang maluha.

Sa Instagram post ni Jolina ay ipinost nga niya na nasa kanya na ang headband at nag-uumapaw raw ang kilig niya at saya.

“Eto na ang headband!!! Alam kong gising pa at kanya-kanyang kwentuhan ang lahat ng nagpunta sa Ateneo at nanood sa FB ng Tayo ang Liwanag. Maraming salamat!

“Ako, ng uumapaw ang kasiyahan at kilig dahil nakuha ko na kaninang tanghali ang headband!!!! Sa gumawa nito, ang galing mo! Promise iingatan ko ang nilikha mo para kay Maam.”

At sey pa niya, “Ma’am Leni, salamat po sa pag-share ng regalo na para po sa inyo at higit sa lahat salamat po sa mga sinabi nyo. Mahal ka din po namin. Bale wala po ang pagod at puyat namin dahil buong buo po ang loob namin sa pagtindig at sa radikal na pagmamahal para sa aming mga anak at sa Pilipinas.”

Avelino miss na ni Bea

Birthday ng actor na si Paulo Avelino noong Friday. Isa sa hindi nakalimot na bumati sa kanya ay ang dating kasamahang Kapamilya at naging leading lady rin na si Bea Alonzo.

Ni-repost ni Paulo ang Instagram stories na birthday greeting ni Bea sa kanya. Sa picture ay collage na makikitang nagsa-saxophone sila.

Mukhang naging bonding din nila noon ang music na isa sa mga paboritong gawin ni Paulo ever since.

Sey ni Bea na nagsabing nami-miss na raw niya ang mga biglaang pagba-bonding nila sa gabi, “Happy Birthday, Pau!!! Missing our spontaneous nights like this! Enjoy your special day.”

Gerald madalas paglaruan ang alalay

Hindi na namin makita sa Instagram ni Gerald Anderson, pero may isang online news site na nag-share ng short video ni Gerald kunsaan, may collection siya ng mga videos niya na ang kanyang P.A. (production assistant) na si Jalai ay palaging tulog o nakakatulog kahit saan.

Pero kahit na naaliw ang karamihang netizens sa video na shinare ni Gerald kunsaan, nagbibiro ito na tila si Jalal ang boss niya tulad na lang sa habang si Gerald ang nagda-drive, kumportableng natutulog ito, tila na-alarma naman ang ibang netizens.

May mga nagpayo kay Gerald na tila hindi raw normal ang pagiging sobrang antukin ng kantang P.A. Kaya pinapayuhan si Gerald na ipa-check-up daw ito.

“Excessive sleepiness has some underlying condition. Better to have check-up for him,” sey ng isang netizen sa actor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.