Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

`Jolina’ humagupit sa Samar

0 19

NARAMDAMAN ang Bagyong Jolina sa ginawa nitong unang landfall sa Eastern Samar Lunes ng gabi.

Nawalan ng kuryente ang ilang lugar doon habang sinuspinde naman ang trabaho at klase.

Nagkalat na rin sa kalsada ang mga bumagsak na puno at ilang debris.

Ayon sa report ng PAGASA, nag-landfall ang bagyong Jolina sa vicinity ng Hernani, Eastern Samar alas-10 ng gabi.

Kasunod nito ay nag-landfall ulit ito sa mga lugar sa Daram, Sto Niño at sa Almagro, Samar kahapon.

Sinabi ni Eastern Samar Governor Ben Evardone na ipinauubaya na niya sa mga pribadong kumpanya kung sususpindihin ang trabaho. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.