Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jokic unang MVP na galing Serbia

0 19

SI Nikola Jokic ang nagwagi sa 2020-2021 Kia NBA Most Valuable Player award.

Ang Serbian na sentro ang unang nagkamit sa koponan ng Denver Nuggets at ang pinakamababang drafted na manlalaro na naging MVP.

Dahil na rin sa malayong boto na kanyang nakamit at para sakin ay nadala niya ang kanyang koponan kung san sila ngayon ay isang katunayan na siya ay nararapat na makuha ang award na ito, kasama niya sina Dirk Nowitzki (Germany) at Giannis Antetokounmpo (Greece) MVP na galing Europe.

Ang issue ni Kiefer Ravena na nais maglaro sa Japan ay naging maraming tanong sa mga tao kung ano talaga ang tama at mali gaya ng puwede ba maglaro ang isang player na may kontrata sa isang koponan sa PBA?

Ano ang mga rule ng PBA para sa ganitong sitwasyon? Ito ba ay katulad sa isang manlalaro gaya ng mga NBA player na naglalaro tapos puwede maglaro sa ibang liga?

O players ng school ng UAAP, NCAA, NAASCU O UCLA tapos lalaro sa ligang labas?

Nagsalita na ang parehong panig at sana ay mabigyan ng magandang solusyon ang problemang ito at ang desisyon ay perahas makinabang ang interes nina Ravena at ng PBA.

Patapos na po ang 1-on-1 Online Advance Basketball Training 1st Module at puwede na po magpa-reserve ngayon para sa 2nd Module.

Nagpapasalamat ako sa suporta ng aming AMA Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V, President Dr. Amable C. Aguiluz IX at Bo Darwin Dominguez.

Binabati ko ng ang aking ama ng belated happy birthday Julito Herrera.

Leave A Reply

Your email address will not be published.