Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jokic MVP

0 32

SI Nikola Jokic ng Denver ang MVP ng NBA 2020-2021 season, tinalo sa botohan ang kapwa-big man na si Joel Embiid ng Philadelphia.

Pang-anim na international player ang Serbian na nagtaas ng highest individual honors pagkatapos nina Hakeem Olajuwon, Tim Duncan, Steve Nash, Dirk Nowitzki at Giannis Antetokounmpo.

Si Jokic din ang lowest draft pick na nanalo ng award – 41st selection ang 6-foot-11 center ng Nuggets noong 2015.

“To be honest, I didn’t even think I would be in the NBA,” anang 26-year-old. “My goal when I started to play basketball back home, it was playing in Euroleague because that was kind of the closest top league to my country.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Runaway winner ang The Joker, nakuha ang 91 sa 101 first-place votes – 100 mula sa sportswriters at broadcasters worldwide.

Pangatlo sa botohan si Stephen Curry ng Golden State, pang-apat si Antetokounmpo ng Milwaukee, sunod si Chris Paul ng Phoenix. Napunta ang fan vote kay Derrick Rose ng New York.

Sina Nash at Antetokounmpo ay parehong 15th pick. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.