Una sa Balita

Jokic kalaban ang Pilipinas sa FIBA

0 292

INAASAHANG makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang isa sa apat na lehitimong National Basketball Association player ng Serbia tapos magkumpirma na lalaro ang sentro na si Nikola Jokic sa 18th International Basketball Federation (FIBA) World Cup 2019 sa China Agosto 31-Setyembre 15.

Katatapos lang sa pinakamahusay niyang taon sa Denver Nuggets kung saan nakamit ang All-NBA First Team honors, hinayag ng star center na nakilala sa 2016 Rio de Janeiro Olympics sa Serbian news agency na Tanjug ang pagsama niya sa Serbian national team para sa China hoopfest.

“I am very satisfied with everything I did this past season in NBA. I had a great year with my participation in the All Star game and election in the All-NBA first team,” sabi ng 24-anyos na basketbolista.

“A crown of this amazing season for me would be a World Cup medal for which I’m sure that Serbia can win and I am fully ready to contribute in achieving of that goal,” hirit ni Jokic.

Isang masamang balita naman ito para sa Team Pilipinas na patuloy na nanga­ngapang mabuo ang pinakamalakas na koponang isasabak sa World Cup kung saan nakataya ang 2020 Tok­yo Olympics para sa magkakampeon.

Kagrupo ng mga Pilipino ang Serbia, Angola at Italy sa Group D ng First Round.

Unang nagpakita ng galing si Jokic sa Serbia sa 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade at tinanghal na best player bago nag-Rio de Janeiro Games, kung saan binitbit nito ang kanyang team sa unang Olympic Finals o sa silver medal. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy