Una sa Balita

Joint venture ng PH-China tinukuran ni Gloria

0 207

PABOR si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa joint venture ng Pilipinas at China.

Mainam na diskarte umano ito para maisulong ang kooperasyon at pagkakaibigan sa gitna ng isyu sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ibinida ni Arroyo na sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang Pangulo ng Pilipinas ay ginamit niya ang na­sabing formula.

“Ako, in general, pabor ako sa mga joint projects eh, because they foster friendship and cooperation. More or less ganoon din ang aking approach noong ako’y President. Alam mo itong tungkol doon sa conflicting claims, mayroon ding ganun ‘yung Malaysia at saka ‘yung Thailand eh, sa Gulf of Thailand. They pursued their conflic­ting claims pero may joint projects sila. So, talagang mayroon ng model na ganoon sa buong mundo,” sabi ni Arroyo.

Ipinunto pa ni Arroyo na dapat magturingan na magkakapamilya ang mga bansa na nakikiangkin sa mga teri­toryo sa West Philippine Sea.

Maagap naman na sinalungat ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang kartada ni SGMA.

“We already had a disastrous experience with a joint venture deal with China through the Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) during GMA’s term as President. We should learn from such one-sided calamitous friendship and cooperation,” reaksyon ni Zarate.

Dehado lagi ayon kay Zarate ang Pilipinas sa mga ganyang klase ng ga­lawan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy