Una sa Balita

Johnson, Salas nirekta sa Final 4 ang Angels

0 242

NAGliliyab

Muling umarangkada sina American import Janisa Johnson at Cuban reinforcement Wilma Salas upang silaban ng PetroGazz ang BaliPure Purest, 25-19, 25-22, 25-18, Linggo para umentra na sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference 2019 semifinals sa Imus City Sports Center, Cavite.

Pasabog ng 17 points si team captain Johnson, 16 mula sa atake at isang service ace, samantalang kontribyut ng 14 markers si Salas para patuloy na pagni­ngasin ang Angels sa mala-birhen pa ring 7-0 win-loss slate.

“I’m proud of my team,” bulalas ni Johnson sa ikalawang panalo sa second round eliminatioins tapos mawalis ang first round sa 5-0.

“Of course we can’t always have the start that we want but in the end it matters how we finish the game. We finish on how we wanted to,” hirit pa niya.

Susunod na makakaharap ng PetroGazz ang Creamline Cool Smashers sa darating na Sabado, Hunyo 22 sa balik ng hostilidad sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Humaba pa ang kalbaryo sa anim ang Water Defenders sa kabila nang pagsisikap nina imports Alexandra Vajdova at Daniela Dzakovic na tinanganan pa ang bentahe sa second stanza, 17-14, na nagpademoralisa kay Arnold Laniog.

“Sabi ko nga going­ into second round dapat ang mentality namin talaga, I mean, yung gagalaw kami na may disiplina. Gagalaw kami doon sa level na meron kami, parang di ko nakikita,” punto ng Angels coach.

‘Di nakasalalay sa sariling mga kamay ang kapalaran ng BaliPure na makahabol pa sa Final Four. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy