Una sa Balita

John sinita ng fan sa pandededma kay Janice

0 651

Kung hindi pinansin ng follower niya sa Ins­tagram, baka hindi na-acknowledge ni John Estrada sa posting niya tungkol sa kanyang mga anak ang ex-wife niyang si Ja­nice de Belen.

Nag-bonding si John at misis niyang si Priscilla Meirelles, ang kasama ay ang baby nila, at ang mga anak ng aktor kay Janice. Naka-post sa Instagram wall ni John ang mga photo na kasama ang mga nabanggit na mahahalagang tao sa kanyang buhay.

At masyadong ninamnam ni John ang moment, kaya nag-emote siya sa kanyang caption at pinuri ang kanyang mga anak.
Una munang nagpayo si John sa mga follower na parents sa kung paano magkakaroon ng magandang koneksiyon ang mga ito sa kanilang mga anak.

“If you want to have a great relationship with your kids…you have to learn to listen to their feelings…akala ko noon dahil isa akong magulang e ako parati ang tama at masusunod.
“Pero na-realized ko na mali pala yon lalo na kapag matatanda na ang mga anak mo at kung may sarili ng mga isip,” sabi ni John.
Nagpasalamat si John sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng mababait at matatalinong mga anak.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan ako ng mga matatalinong anak at mayron mga ginintuang mga puso. I want to thank them for lo­ving me unconditionally. I promise that dad will be here for you and most especially to listen to you. I love you, and to my wife I love you so much and thank you. Last night was a great one,” sabi pa ni John.

Kapansin-pansin na hindi man lamang binanggit ni John si Janice at binigyang kredito sa pagpapalaki nito sa kanilang mga anak.

@ghiedtrix. “You should also gave thanks to Janice as a big contribution for having a wonderful children…advice lang po.”

Nabasa ito ni John kaya naman nag-comment siya at pinasalamatan ang ex-wife.
“Of course thanks to @super_janice for the superb job with our kids.” (Rey Pumaloy)