Una sa Balita

John Pratts ididirek sina K, Richard, Erik

By
0 3,025

Aminado si John Pratts na dapat na siyang mag-reinvent kung gusto pa niyang magpatuloy sa showbiz.

“Hindi na tayo bumabata. May sarili na rin akong pamilya at mahal ko ang industriyang ito,” bahagi pa ng paliwanag ni John na bukod sa pag-arte at pagsayaw sa TV, ay may maliit ding negosyo.

Subalit pangarap din niya raw talaga ang makapagdirek ng mga live shows gaya ng concert, kaya nagpapasalamat siya sa Cornerstone sa pagbibigay break sa kanya.

“Simpleng usapan lang. Nagprisinta ako at nagtiwala naman sila,” sagot ni John na umaming malaking bagay ang exposure niya sa Banana Sundae para maengganyo siyang magdirek.

“But siyempre, matagal na rin akong nag-aaral at nag-o-ob­serve. Hindi naman puwedeng basta na lang ako sasalang sa mga ganyan na walang kahit anong baon na alam especially sa mga technical aspects,” hirit pa niya.

At ilan nga agad sa mga itotokang shows sa kanya for this year ay ang mga anniversary concert ng ilan sa mga big artist ng Cornerstone gaya nina K Brosas, Richard Poon, Erik Santos among others.

Gamit na gamit ang kasaysayan

Hala, kauumpisa pa lang ng Bagani ay agad na itong binalot ng kontrobersya at intriga.

Hindi lang basta ang mga Manobo people ang umapela sa pangamba nilang gamitin ang salita sa mali, kundi maging ang mga opisyal ng CHED (Commission on Higher Education) na natatakot ding mabigyan ng ibang kahulugan ang salitang Bagani taliwas sa historical concept.

Para raw tawaging ‘Bagani’, dapat ay nakapatay ang isang matapang na warrior nang hindi bababa sa apat na masasamang kaaway, tao man o animal.

Sa opisyal na statement naman ng ABS-CBN ay sinabi nitong walang balak na gawing ‘historical reference o data’ ang pagsasadula nila ng kuwento, much more, ang ito’y i-malign o disrespect ang paniniwala ng mga kagayang katutubong Manobo.

Pero may mga observer na nagtatanong kung bakit sa plugging daw at sa promo ng naturang fantaserye ay gamit na gamit ang mga datos ng kasaysayan at ilang lugar sa bansa kahit sabihin pang fictionalized ito?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy