Una sa Balita

John Lloyd sinorpresa ang lolang fan

0 477

abante-talbog-joe-barramedaMukhang may katotohanan na ang pagbabalik sa sirkulasyon ni John Lloyd Cruz na wala pang kumpirmas­yon sa mga taong nakakaalam sa mga plano niya.

Base sa mga tea­ser at mga lumalabas na mga post sa social media ay lumalabas na sa kanyang seclusion ang award winning actor.

Ang huli ay ang pagdalo niya sa isang birthday party ng 90-anyos na fan niya sa Cebu kung saan sinorpresa niya ito.

Ang request pala ay video greet lang pero dumating siya in person sa nasabing party na ikinatuwa ng matanda na solid Lloydie fan na maraming koleksyon ng mga movies niya at souvenir items.

Napakabait naman talaga ni Lloydie. Maski kami ay nakaramdam ng pagmamahal niya bilang kaibigan simula noong araw na madalas namin siyang nakakasama sa mga trips abroad.

Ipinadala niya sa amin ang pagmamahal niya bilang kaibigan nang dapuan kami ng mabigat na karamdaman. Hindi nawala sa isip niya ang aming kalagayan na laging kinakamusta ang aming karamdaman.

Daniel dadalaw sa shoot ng KathDen movie

Nagsimula na ang shooting sa Hong Kong nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Wala naman ka­ming narinig o na­balitaang aberya. Walang hassle o kaguluhan ng mga fans doon kahit marami pa ang ina­asahang dadalaw sa set ng shooting.

Suportado ng mga fan ng dalawang bida ang tambalan na alam naman nila na trabaho lang ito at obvious na may ka-love team ang dalawa na kinababaliwan ng mga fan.

Sa katunayan ay may balita na dadalaw doon si Daniel Padilla na karelasyon ni Kath. Kung totoo ito ay magkikita sina Daniel at Alden doon sa HK.

Pareho namang pinaghandaan nila Alden at Kathryn ang pelikulang ito. Kita naman ng lahat ang hitsura ni Alden sa airport pa lang sa Manila ay mukha na itong baratingas. Kaya umaasa kami na isa na namang hit ang movie na ito gaya ng previous pro­ject ni Direk Cathy Garcia Molina.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy