Una sa Balita

John Lloyd pinayuhan si Alden

0 713

By the time lumabas ito ay nasa Korea na si Alden Richards para taanggapin ang isang award mula sa International Drama Awards.

I am sure makakasalamuha niya ang mga Korean­ Superstar na kinababaliwan nina Rose Garcia at Lolit Solis. Dapat sumama sila kay Alden as part of his entourage.

Bago pa nagsimula ang shooting ng Hello, Love, Goodbye ay nakausap daw ni Alden si John Lloyd Cruz para ipaalaam na may gagawin siyang­ movie sa Star Cinema at si Direk­ Cathy Garcia Molina nga ang direktor.

Ang payo lang daw sa kanya ni ­Lloydie, basta maligaya siya sa ginagawa niya ay go for it. Magka-chika pala silang­ dalawa, ha!

Anyway, mahigit P800M na ang gross sales ng Hello, Love, Goodbye and still counting. Hindi na ako magugulat kung lagpasan nito ang One Billion Mark. Congratulations Alden ang Kathryn Bernardo.

Gabbi, Bea, Yasmien handa nang
makipagbugbugan

Nasa final week na ang Sahaya at awayan sa mana na iniwan ni Zoren Legaspi ang mangyayari. As usual hinaharang ni Ana Roces ang mana, sa tulong ni Snooky Serna habang ginugulo na naman ni Eric Quizon ang mga Badjaw dahil dinapuan siya ng sakit sa balat dulot daw ng mga panalangin ng mga katribo ni Sahaya.

Kaabang-abang ang mga susunod­ na kabanata kung paano mapapagtagumpayan ni Sahaya ang lahat.

Ang Beautiful Justice ang ipapalit sa Sahaya, kung saan tatlong babae­ na mala-Charlie’s Angels­, na pangu­ngu­nahan nina Gabbi Garcia, Bea Binene at Yasmien Kurdi ang mga bibida­ para tuklasin ang mga krimen ginawa sa mga ka relasyon nila.

Susuporta­han naman sila nina Derrick Monasterio, Gil Cuerva, Bing Loyzaga, ­Elizabeth Oropesa at marami pang iba.

Seryoso sila sa mga training na parang mga tunay na law enforcers, at bumisita pa sila sa PDEA office, huh! Kaya mala-action movie ang Beautiful Justice na magsisimula sa Lunes, Sept. 2.

Sunshine, Sheryl
agawan sa kongresista

Kahit gaano ka-busy si Cong. Alfred Vargas bilang mambabatas ­ay hindi niya magawang talikuran ang showbiz. Nasa puso pa rin niya ang pagiging artista.
May mga panukalang batas din siya para sa ikauunlad ng showbiz industry.
Sa kasalukuyan ay nasa New York City siya for a movie project. Pagbalik niya rito ay may special role siya sa upcoming­ teleserye na Magkaagaw kung saan magiging asawa siya ni Sunshine Dizon na pilit inaagaw ni Sheryl Cruz, at ang bina­lingan ay si Jeric Gonzales na asawa naman ni Klea Pineda, na anak ni Alfred kay Sunshine.
Ganyan katindi ang agawan nila. Kaloka­, di ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy