Una sa Balita

John Lloyd pinatsutsugi ng mga advertiser sa ABS-CBN

By
0 5,673

May bonggang tsika ngayon na kaya pala unti-unti nang kinukundisyon ng mga nasa production and creative side ng sitcom na Home Sweetie Home ang pagtsugi sa karakter ni John Lloyd Cruz ay merong malaking account na papasok uli as sponsor ng show?

Ayon sa aming kausap, sanhi nga raw ng tila sunod-sunod na kanegahan ng imaheng nakukuha ni Lloydie simula nang piliin nito si Ellen Adarna, may mga pag-back-out at non-renewal nang nagaganap sa mga iniendorso niyang produkto. Kasama na rito ang isang major drug company na umamin daw nang hindi pagsunod ng aktor-endorser nila na maging ‘maingat’ sa ‘wholesome image’ nito.

Kaya bago pa man daw umabot sa puntong tuluyan nang mawala lahat kay Lloydie, uunahan na raw ng sitcom na tsugihin sa simpleng paraan ang pagiging bahagi ng aktor sa sitcom na patuloy ang pag-arangkada sa ratings.

“Bakit, sa gusto naming lumampas nang limang taon sa ere noh? Kaya kung sa kuwento ay maa-annul na ang mga karakter nina Toni (Gonzaga) at John Lloyd, it’s for the better and it’s for the show’s generation of good income,” ang mataray na sey ng kausap namin.

Hala!