Una sa Balita

John Lloyd nangangayayat

By
0 1,796

Ipinadala sa akin ng Chinese friend ko na si Josie Tsai ang picture na ‘yan ni John Lloyd Cruz na kuha kahapon ng lunch time sa Golden Seafood House restaurant sa may Katipunan Avenue, Quezon City (bandang White Plains).

Hindi raw kasama ni Lloydie ang mag-ina niyang sina Ellen Adarna at Baby Elias Modesto, pero marami-rami raw kasama ang “retired” actor, mga 12 daw sila, at sa outside seating area sila nakaupo.

Nilapitan ni Josie si Lloydie para pakiusapang magpa-picture kasama ang dalawa niyang niece.

In fairness, pumayag daw si Lloydie na magpa-picture kasama ang mga batang niece ng friend ko, ‘yun nga lang, nakaupo lang ito. Sobrang simple raw ni Lloydie at obvious na medyo pumayat.

“Sa hitsura naman ni John Lloyd, mukhang masaya siya! Simple­ lang siya, pero guwapo pa rin!” papuri ng Chinese friend ko.

At least, pinagbigyan niya ang request ko na magpa-picture kasama ng nieces­ ko. Siguro kung ka­tulad ng ibang celebrity na hindi na nagsu-showbiz talaga, baka tumanggi na siya na magpa-picture, pero he’s nice!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy