Una sa Balita

John Lloyd namanhikan na kina Ellen Adarna sa Cebu

By
0 7

Nasa Cebu ngayon sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna kung saan na-meet na ni JLC ang parents ni Ellen.

Viral video nga ito ngayon na ang suspetsa pa ng karamihan ay baka raw namanhikan na ang aktor sa nababalitang buntis niyang dyowa.

Pero, sa aming palagay, naroon lang silang dalawa para pormal nang makilala niya ang parents ni Ellen at para hindi­ naman siya magmukhang ungentleman­ sa gitna na kung ano-anong tsismis sa kanila.

Disente ang parents ni Ellen na maraming negosyo sa Cebu, nagkataon lamang na nagkaroon sila ng anak na iba ang imahe sa publiko.

At saka, kung mamanhikan man si Loydie, aba, dapat kasama nito ang parents niya, noh.
Isang malaking tra­disyon ito sa ating mga Pinoy na hanggang ngayon naman ay sinusunod pa unless very millennial na rin ang datingan nila, huh!

Anyway, ma­kikita sa clip ang pakikipapaglaro nila ni Ellen sa isang bata. Preparasyon na rin kaya ito sa kanilang pagiging parents in the future? Mukha nga. Echos!