Una sa Balita

John Lloyd, nakadapa na, sinisipa pa!

By
0 7

Lumutang si John Lloyd Cruz sa Star Magic Ball but minus Ellen Adarna.­ Taob sanang lahat ang mga starlet at big star kuno, kung magkasama na dumating ang rumored lovers, huh!

Eh, base sa picture ni Lloydie na naglabasan sa social media, nakuhanan siyang kasama ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde, Maja Salvador at Bea Alonzo. Hindi rin siya lumakad sa red carpet at wa appear sa entertainment show, o program, ayon sa reports.

John Lloyd Cruz #StarMagicBall2017

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on

In fairness, guwaping pa rin at maaliwalas ang mukha ni JLC kahit tuloy ang banat sa kanya sa socmed.

Ang balita namin, magpapahinga muna si John Lloyd sa ibang bansa. Wala rin kasi siyang project na gagawin. Feeling daw niya, ayon sa aming source, ay nababale-wala siya rito.

Sa halip kasi na unawain at tulungan si Lloydie, lalo pa siyang itinutulak sa putikan huh! Nakadapa na nga, sinisipa pa!

How ungrateful some people can be to JLC!

Super Ma’am ni Marian, pasado sa DepEd!

Pasado ang Super Ma’am sa Department of Education Secretary Leonor “Liling” Briones ayon sa Instagram post ng programa. ‘Yun kasing video­ ng cast na ibinabahagi ang mga natutunan nila sa kanilang teachers bilang pagbigay-pugay sa mga ito noong Teacher’s month last September ay naka-share sa Facebook page ng DepEd Secretary.

Sa totoo lang, hindi kasi nawawala sa series ni Marian ­Rivera ang pagturo sa estudyante, sa kahalaga­han ng edukasyon. Nandoon ‘yung pagmamahal at pagsunod sa guro at sa mga magulang nila.

Natututo na ang mga bata, naaaliw pa sila habang nanonood ng Super Ma’am. Ngayong sinasapuso na ni Marian bilang Minerva ang pagiging super heroine niya, kaabang-abang ang magiging labanan nila ni Kim Domingo na pangunahin niyang kontrabida.