Una sa Balita

John Lloyd mas mukhang matanda kay Rowell

0 570

Masayang ibinahagi ng actor/direktor na si Ro­well Santiago na finally ay nagkita na sila ulit ng mabuting kaibigan na si John Lloyd Cruz. Halatang na-miss niya si Lloydie dahil siyempre ilan beses silang nagkasama sa pelikula kung saan bida sina Lloydie at Sarah Geronimo.

Mula sa “A Very Special Love” hanggang sa “It Takes A Man and A Woman” ay tumatak ang kanilang karakter bilang “Kuya Art” at “Miggy”.

“Reunion of two brothers. Kuya Art and Miggy. Seeing you Lloydie again made my day,” ani Rowell sa kanyang caption.

Hindi rin naman matatatanggi sa itsura ni Lloydie sa picture kung gaano siya natuwa na makita ulit si Rowell. Dahil sa litratong ‘yan, sigaw ng mga netizen na magkaroon pa sana ng karugtong ang pelikula nila na cast ng “A Very Special Love”.

May mga nakapansin lang na mas nagmukhang matanda na si Lloydie kay Rowell, ha! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More