Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

John Lloyd, Maja sitcom tuloy na sa TV5

0 238

Naku, Dondon (my dear editor), mukhang tuloy na tuloy na ang gagawing sitcom ni John Lloyd Cruz sa TV5 at ipo-produce ni Albee Benitez, huh!

Last week, nakita ng isang friend ko ang dating congressman at ka-meeting nga raw nito si John Lloyd at si Direk Edgar Mortiz.

Mukhang masinsinan daw ang pag-uusap ng dalawa at ang tsika pa, si Maja Salvador na ang makakasama ni John Lloyd sa sitcom na ‘yon.

Ang bongga!

Pero, napansin mo ba, Dondon, kahit tsinugi rin naman ni Albee ang “Sunday ‘Kada” gag show na pinamamahalaan ni Direk Edgar, tahimik lang ang huli at walang sinasabing kahit na ano tungkol sa una, huh!

At heto na nga, after na tsugihin ni Albee ang “Sunday ‘Kada” ay may new sitcom pa siya na ang bongga ng casting – John Lloyd at Maja.

I’m sure, puwedeng i-cast ni Direk Edgar ‘yung mga artista niya sa “Sunday ‘Kada” sa bago niyang sitcom. At least, may trabaho pa rin sila,’di ba, Manay Lolit Solis?!

***

Albee move on na sa pagkalugi

Ang bongga lang ng Papa Albee mo, Manay Lolit, kahit may tsinugi siyang mga show, hindi pa rin naman siya sumusuko sa pagpo-produce. Hindi tuluyang magiging “DIM LIGHT” ang Brightlight Productions niya, ‘noh?!

At least si Albee, nalugi man ng sobrang laki sa production budget ng kanyang mga show, moved on na siya kaagad at hindi nagpapaka-bitter sa napakalaking perang nawala sa kanya, huh!

Agree, Manay Lolit?!

***

Elijah maalaga kay Miles

Nagkaroon ng virtual group interview ang tatlong young cast ng “Paano Ang Pangako?” ng TV5.

SM food to go Banner Ad

Sina Elijah Canlas, Miles Ocampo at Kyle Velino ang mga ipinainterbyu ng director/producer na si Perci Intalan.

In fairness, may kilig ang tambalan nina Elijah at Miles, kaya ang biro sa dalaga, baka dahil sa “Paano Ang Pangako?” series nila ay magka-boyfriend na siya.

Kasi naman, isa pa si Miles sa tinaguriang NBSB o no boyfriend since birth, huh!

Anyway, sa “Paano Ang Pangako?” nga ay si Miles ang pinag-aagawan nina Elijah at Kyle dahil sa “Gameboys” naman ay si Kokoy de Santos ang bet nila.

Sabi ni Miles, maalaga raw si Elijah bilang leading man. Pati nga raw buhok niya kapag may mga tutsang, inaayos pa ng aktor bago sila mag-take.

Binigyan din daw siya ni Elijah ng french fries nang magpa-order ito dahil pareho silang nag-crave sa nasabing pagkain.

Malapit na nga palang magtapos ang third cycle ng lock-in taping nila ng “Paano Ang Pangako?” at lilipat naman sina Elijah at Kyle sa lock-in shooting ng “Gameboys 2”, pero mag-quarantine raw muna sila.

Si Miles naman kaya, masasama sa sitcom ni John Lloyd dahil isa rin siya sa nawalan ng trabaho sa pagkatsugi ng “Sunday ‘Kada”?

Sa sitcom noon ng ABS-CBN, ang Home Sweetie Home ay magkasama rin sina John Lloyd at Miles.

***

Kahit puyat sa burol ni X-44: Maricel Laxa balik trabaho na

Part nga rin pala ng “Paano Ang Pangako?” si Maricel Laxa.

Nang mamatay ang tatay ni Maricel, ang veteran action star na si Tony Ferrer, nasa set pa ng nasabing series si Maricel.

Sabi ni Direk Perci, pinayagan nilang makauwi noong Saturday si Maricel para mapuntahan nito ang labi ng yumaong tatay.

“Naiintindihan namin ‘yung situation ni Maricel, kaya pinayagan namin siyang umuwi. Sobrang advance naman ang mga eksenang nakuna na namin, kaya puwede naman siyang payagang umalis,” sey ni Direk Perci.

Kagabi bumalik ng set ng “Paano Ang Pangako?” si Maricel.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.