Una sa Balita

John Lloyd mag-isang lumipad pa-Vietnam

0 612

Totoo kaya ang kumakalat na chika na hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna? Pagkatapos nga raw na isakripisyo ni JLC ang kanyang showbiz career para sa pagmamahal niya kay Ellen at sa anak nilang si Elias Modesto, mauuwi lang sa wala ang lahat dahil bumitaw na raw si Ellen sa kanilang relasyon.

Napabalita pa ngang baka ikasal na ang dalawa dahil nakitaan si Ellen na may suot na engagement ring, isang 3-karat diamond daw ito.

Pero according to reliable sources, si Ellen nga raw ang kumalas sa relasyon nito kay JLC. Nagising na lang daw siya na hindi na niya mahal ang aktor.

Dagdag pa ng source ay alam na raw ng mga close friends ni Ellen, tulad ni Beauty Gonzalez, na hiwalay na ito kay JLC.

Hiwalay nga raw na nagbakasyon ang dalawa kamakailan. Si Ellen ay kasama si Beauty sa Bangkok, Thailand samantalang si JLC ay nagbakasyon na mag-isa sa Vietnam.

Hintayin na lang natin kung totoo ang balitang hiwalayang John Lloyd at Ellen…

Naku, marami pa rin ang interesado sa kuwentong ito, kahit sabihin pang nagpahinga na sila sa showbiz. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy