Una sa Balita

John Lloyd lulong sa sabong?

0 1,464

Napadaan sa sabu­ngan, at may nagsisigawan, pero hindi manok ang pinagsisigawan kundi ang mahusay na aktor na si John Lloyd Cruz. Kalat ngayon sa social media ang post kung saan naispatan ng isang netizen ang aktor na nagpunta sa sabungan.

Simple ang itsura, naka-polo, at mukhang nag-e-enjoy sa panonood sa mga nagsasabong na mga manok.

Hati ang reaksyon ng mga netizen, mayroong mga binigyang malisya at negatibong komento ang pagkakakita sa aktor sa naturang lugar, na kesyo mukhang nalululong daw sa pagsusugal ang aktor.

Hindi rin nawala ang mga fan na nagtanggol sa kanilang idolo na palagay naman nila ay ini-enjoy lang ang panonood ng sabong.

“Enjoying his life to the fullest. what’s the prob?” comment ng isang fan. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More