Una sa Balita

John Lloyd kina Vhong-Tanya: Gumawa kayo ng maraming baby

0 455

Umeksena na si John Lloyd Cruz sa kasal ni Vhong Navarro at dyowang si Tanya Winona Bautista. Lutang na lutang ang karisma niya sa wedding at sa video na inilabas ni Dr. Vicki Belo, nakuhanan niya ng mensahe ang aktor sa bagong kasal.

“Gawa kayo ng baby! Marami! Ha! Ha! Ha! Gawa kayo ng baby, men! Maraming babies masaya!

“‘Yun ang magpapaganda sa mundo. Mas maraming babies. Para mapalitan ang kagaya natin! Ha! Ha! Ha!” bahagi ng mensahe ni Lloydie.

Sa caption naman ni Dr. Belo, “He still has the charm and dashing good looks.”

Sa Japan nga pala ikinasal sina Vhong at Tanya.

YanYan ‘di pabubuntis sa 2020

Si Gabby Concepcion ang makakapareha ni Marian Rivera sa gagawin niyang Kapuso series na “First Yaya”. Alaga ni Popoy Caritativo si Gabby.

Patunay lang na all is well kina Yan at Popoy dahil kung may isyu pa sa kanila, malabong makasama ng Primetime Queen ang male talents ni Popoy.

Sa pagkakaroon ng bagong series ni Marian next year, pahinga muna siya sa pagbubuntis, manganak, huh!

Busy siya sa taping at gayundin ang asawang si Dingdong Dantes sa series nitong “Descendants of the Sun” na next year ipalalabas.

So sa 2020, ang Hari at Reyna ng GMA Primetime ang magpapasiklab sa kani-kanilang series, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More