Una sa Balita

John Lloyd ipinakita ang baby nila ni Ellen

By
0 1,692

Simula nang mabalitang nanganak si Ellen Adarna, tila ngayon lang may lumabas na lara­wan ng baby nila ni John Lloyd Cruz. Nasa beach sina Ellen at John Lloyd na most likely ay sa hometown ni Ellen na Cebu.

Si John Lloyd ang may hawak sa baby na kung susumahin since nabalitang nanganak si Ellen noong June ng taong ito. So posibleng three months ang baby ng dalawa.

Positibo naman ang karamihan ng comments na nabasa namin mula sa netizens. Hayaan na nga lang daw ang mga ito dahil kung titingnan sila, mukha naman talaga silang masaya sa buhay nila ngayon.

Well, for sure naman, happy si John Lloyd na isa ng Daddy at lalo na si Ellen na noon pa man, sinasabi na gusto niyang magkaroon ng baby.

Actually, a source close to John Lloyd told us na masaya talaga ang actor ngayon sa pinili niyang buhay.

Though personally, naniniwala kaming darating ang panahon na muling babalik at haharap pa rin sa camera si John Lloyd, doing the craft that he’s best with.