Una sa Balita

John Lloyd ingrato, walang utang na loob

Sigaw ng mga fan

By
0 6,543

Maraming mga fan ang nanenegahan na sa dating ngayon ng aktor na si John Lloyd Cruz. Hindi kasi nagustuhan ng marami ang pinost ni JLC kamakailan sa kanyang Instagram account. Dahil dito ay mas dumami ang haters ni JLC.

people vs people, using tv as poison,lose-lose case

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Heto ang pinost ni JLC: “people vs people, using tv as poison, lose-lose case.”

May comments na natanggap si JLC sa post niyang ito na huwag siyang maging ingrato dahil kung hindi dahil sa TV, hindi siya makikilala bilang aktor.

Nagsimula sa TV si JLC nang maging member ito ng Star Circle Batch 5 noong 1997. Napansin ang husay niya bilang aktor sa teen drama series na Tabing-Ilog.

Naging malaki ang name ni JLC nang sumikat ang loveteam nila ni Bea Alonza sa mga teleserye na Kaytagal Kang Hinintay, It Might Be You, Maging Sino Ka Man, I Heart Betty La Fea at A Beautiful Affair.

Sa TV rin naging household name si JLC dahil sa maraming product endorsements niya.

Malaki na raw ang pinagbago ni JLC simula noong madikit na ang name niya sa starlet na si Ellen Adarna.

Ngayon ay wala pang linaw kung ano ang plano ng ABS-CBN sa kanya dahil ayaw na nitong magtrabaho. Kelan lang ay pinost ni JLC ang bakasyon nila ni Ellen sa Japan at pinost din ng aktor ang isang baby crib sa Instagram.

Mukhang pinaghahandaan na ni JLC ang maging isang ama kahit na wala pang pormal na announcement ito tungkol sa pagbubuntis ni Ellen.