Una sa Balita

John Lloyd ikinumpara sa ‘ibon’ ang anak kay Ellen

By
0 408

Sa pamamagitan ng isang tula, mukhang ikinukumpirma ni John Lloyd Cruz ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak na lalaki ni Ellen Adarna. Sa tula na may titulong Ang Mga Ibon, dini-dedicate niya ito sa isang Elias na maaari nga na siyang pangalan ng kanilang anak.

Ang tula ay tungkol sa saya ng isang pagiging ama, ang inspirasyon na nakukuha niya rito at kung paano nabago ang kanyang buhay.

Isiniwalat din niya kung paano siya nag-i-enjoy sa mga quiet moment ng kanilang anak at walang katumbas na kaligayahan sa pagda­ting nito sa kanilang buhay.

Hanggang ngayon ay wala pa ring official statement mula sa dalawa but sabi nga pictures can paint a thousand words.

Huling nakita ang larawan ng mag-iina sa isang beach getaway nila na isa nga silang happy family altogether.

 

Hashtag Zeus, McCoy pinagkaguluhan sa Bataan

Sobrang pinagkaguluhan ang Hashtag members na sina Zeus, McCoy de Leon at iba pa sa kanilang mall show sa Vista Mall sa Balanga, Bataan. Nagsisipagdati­ngan pa lang ang mga ito ay grabe na ang sigawan ng mga nasa audience na punumpuno from the ground floor hanggang sa 3rd floor.

Hindi sabay-sabay na nagdatingan ang mga miyembro, kaya sa bawat dating ng isa sa kanila ay grabe ang reaksyon ng mga utaw.

Medyo na-delay ng konti ang pagsisimula ng promo ng kanilang album na Second­ Wave, kaya inaliw muna ang mga miron ng local boy band na 5X Acoustics na composed of 5 bagets na mga guwapings all from Bataan. In fairness, may fandom na rin ang mga ito base sa pagtanggap sa kanila ng mga tao.

Mga ilang minuto pa ay lumabas­ na ang Hashtag members kung saan halos nagkaroon na ng pandemonium sa loob ng mall. Bongga ang reception ng mga taga-Bataan na parang na-duplicate ang grabeng attendance noong mag-show si Kyline Alcantara na napunitan pa ng t-shirt.

But this time sa Hashtag album launch, mas pina­higpit ang security at hindi gaanong nakakalapit ang mga tao. Talaga namang ang lakas ng hatak ng grupo as they sing and dance their hearts out sa ikinatuwa naman ng mga taga-Bataan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy