Una sa Balita

John Lloyd forever nang hindi kukuning ambassador

By
0 2,189

Heto na nga, ayon sa aming highly-placed source sa bongga naming network na ABS-CBN, hindi nga raw nito pinaatras ang mga kompanyang noon ay iniendorso ni John Lloyd Cruz, para mas maging ‘active’ ang participation ng mga brand sa dating show ni Lloydie.

Hinihintay raw ng mga naturang brand ang ‘maturity period’ ng pag-lapse ng kontrata ni Lloydie, dahil iba raw ang fiscal year ng advertiser na finally ay nagbigay na ng ‘release order’ sa kanilang endorser (parang clearance raw ang tawag dun), freeing him from all his social and moral obligations.

Isa nga raw sa mga clause dito ang non-renewal kay Lloydie at pagka-forever niyang hindi na matawag na brand ambassador.

Hmmm…mukha namang wala itong epekto sa aktor na nung huli nga naming makita sa TV Patrol news ni Mario Dumaual ay tila gustong panindigan ang pagkakatuklas niya ng kanyang bagong sining.

“Hindi na ako nagpapa-interview. Wala na ako sa showbiz,” or words to that effect na sey nito nang tangkain nga ni Mario na kumustahin ito.

Naloloka lang talaga kami dahil kahit saan namin tingnan, ang lahat ng ginagastos ngayon ni Lloydie sa kanilang mga paandar na bakasyon grande o pagbabagong buhay ni Ellen Adarna, ay lahat nanggaling sa kinita niya sa showbiz, ‘di ba?

Para sabihin niyang ‘wala na siya sa showbiz’ gayung kaya siya nakilala at nagkapera ay dahil dito, ay isang malaking kahangalan.

Hindi kaya isang araw ay mangatok na lang uli si Lloydie sa mga ‘friend’ niya sa showbiz dahil at the end of day pala, ang ‘sining’ pa ring ito ang tinatawag niyang buhay?

Aguuyyyy!!!!

Anne kikay pa rin

Napakaganda ni Anne Curtis sa media launch ng upcoming movie niya with Dingdong Dantes na Sid & Aya (Not A Love Story). Magiliw, kikay at feel na feel nitong balikan ang 20 years friendship nila ni Dong na nakasama na niya noon sa ilang TV projects, but they were never a love team.

Kaya nga meron daw agad na subtitle na Not A Love Story ang Sid & Aya movie nila, dahil ayon mismo sa direktor nitong si Irene Villamor, “Gusto naming mamuhunan sa ganda ng istorya. If only for the story, worth ang lahat ng effort namin, lalo na nina Dong at Anne,” hirit pa ni Direk Irene.

“At this period of time, there are plenty of stories na relatable and a lot can see themselves within. Siguro nagkakatalo na lang sa approach at sa mga gumaganap. I’m just proud, nagkaroon kami ng ganitong movie ni Dong,” sey naman ni Anne.

Showing na ngayong May 30 ang pelikula mula sa Viva Films.

Erwan nawalan ng career sa ‘Buhay Carinderia’

Sayang, hindi namin nakuha ang reaksyon ni Anne patungkol sa iskandalo ng proyekto ni Cesar Montano na Buhay Carinderia ng Tourism Promotion Board na kanyang pinamumunuan.

Content Creator kasi ng naturang program ang dear husband ni Anne na si Papa Erwan Heussaff na siya namang kinuha ng Marylinbert International (under Linda Legaspi as CEO and President).

Ang naturang kompanya ang nabigyan ni Cesar ng pinag-uusapang pondong P80 milyon, na subject ngayon ng suspension order o pagpapahinto ng programa, ayon na rin sa kautusan ng bagong appointed na Tourism Secretary na si Ma’am Bernadette Romulo-Puyat. Dapat daw kasi ay dumaan ito sa tamang ‘bidding process’.

Bongga pa naman at super excited ang hubby ni Anne na maibahagi ang galing at husay nito sa pag-create ng mga dishes na ‘pang-karinderya’ na siyang pinaka-theme ng project.

As Content Creator daw kasi ng programa, may budget para sa talent and skills ni Papa Erwan out of the total contracted price na P320 million (80 pa nga lang naibibigay ni Cesar Montano).

At ngayong pinasususpinde ito, baka ma-discourage na ang hubby ni gandang Anne, dahil nabahiran na ito ng iskandalo, di kaya?

First time pa naman sana ito ni Papa Erwan na mas maging malapit sa masa through his expertise in the kitchen.