Una sa Balita

John Lloyd feeling tatay kay Scarlet Snow

0 421

Cute ang dating sa mga fan ng video na super chikahan sina John Lloyd Cruz at Scarlet Snow Belo. Sabi nga nila, parang sanay na sanay na si Lloydie na mag-entertain ng bata, ha!

Ang cute nga ng da­ting na nagkukuwento siya kay Scarlet, na parang anak ang dating sa kanya. Feeling tatay nga raw si John Lloyd kay Scarlet.

Kunsabagay, mara­ming photo si John Lloyd na lumalabas na karga-karga niya ang ‘baby’ niya, at in fairness, ayon sa mga fan, marunong si Lloydie sa kung paano tamang ala­gaan ang isang bata.

Kaaliw lang na inuutusan ng mga fan si Scarlet na sabihin kay Lloydie na bumalik na sa showbiz, lalo nga at paunti-unti ay nagiging visible na rin siya sa showbiz.

Jesse, Christian suportado ni Stephen Baldwin

Sino ba ang Perkins Twins? Well, sila nga sina Jesse at Christian, na ipinanganak sa Pilipinas, pero lumaki sa California, USA. Pero, 2015 ay bumalik sila sa Pilipinas at nagtayo ng negosyo rito. Nagbukas nga sila ng tennis academy at coffee shop.

Pero, dahil hindi maitatanggi na pareho silang mahusay sa pagkanta, pinapirma nga ng kontrata ang dalawa ng Universal Records at Star Records. At doon na nga nagsimula ang showbiz career nila, na napanood na nga silang mag-guest sa mga show ng ABS-CBN, GMA at CNN.

Ang unang album nila na Para Lang Sa ‘Yo ay puno ng mga orig na kanta na nilikha ni Vehnee Saturno.

Siyanga pala, parehong President Bush and President Obama awardees ang dalawa. The young performers received full scholarships for athletics and academics to the University of California at Berkeley.

Sa ngayon, parehong ambassador ng DepEd, the Dangerous Drugs Board, CCF, the Philippine Bible Society and World Vision ang dalawa.

Siyanga pala, bida na rin sa pelikulang “Kaibigan” ang kambal. At bongga nga ito dahil suportado sila ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin.

Kasama rin sa “Kaibigan” sina Tirso Cruz, Cesar Montano, Jean Garcia, Lani Mercado, Victor Basa, Emmanuelle Vera, Janina Vela, Danica Sotto, Tim Cone at Vince Hizon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy