Una sa Balita

John Lloyd, Ellen tumanggi sa ‘walwalan’

0 1,309

Marespeto namang nag-decline sa imbitasyon ng ABS-CBN sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna para dumalo sa naging matagumpay na ABS-CBN Ball last Saturday.

Ayon sa malalapit sa dalawa, hindi pa raw ready at hindi sa ganu’ng okasyon nais magpakita ng dalawa na mag-iisang taon na ring wala sa showbiz.

Aktibo man sa social media at madalas pa ring pag-usapan ang mga emote nila gaya nitong huli kung saan nag-post pa ng ginawa niyang tula si Lloydie para sa anak, balitang aabutin pa umano ng mahabang panahon ang gusto nilang maging simple at mga private citizen.

Isa nga siguro ang kagayang okasyon sa mga gusto nilang kalimutan dahil intriga at iskandalo lang ang posible nilang maalala at ‘yung mga “walwalan days” nila, ‘di ba?

Noli natatawa sa mukha ni Vice Ganda

 

Tuwang-tuwa si Vice Ganda at mga kasama nito sa “It’s Showtime” dahil sa naging pagbati sa kanila ni Kabayang Noli de Castro para sa kanilang anniversary.

Binanggit kasi ni Kabayang Noli na makita pa lamang niya ang mukha ni Vice ay natatawa na ito. At kung mabibigat man daw ang mga ibinabalita nila sa TV Patrol, nababalanse raw ito ng kakaiba at solid na katatawanan ng “It’s Showtime”.

Tuwang-tuwa nga raw ang grupo nang kinukunan nila ang naturang greeting mula sa mga taga-news department ng ABS-CBN.

Pero nang humirit ang grupo ni Vice ng pagha­hanap kay Ka Ted Failon na tila matagal na umano nilang hindi naririnig sa DZMM at sa TV Patrol na lang napapanood, bigla raw nanahimik ang lahat at napatingala sa kisame?

Kaswal pang binanggit ng ilan during the shoot at habang kasama ang dating taga-“It’s Showtime” na si Kuya Kim Atienza, “yun kasi ang ­tunog at boses (Ted Failon’s) na araw-araw naming kasama sa mga sasakyan namin habang papunta kami sa work. Parang kulang ang araw namin eh.”

Golden ng Cebu malakas ang hatak sa mga fan

 

Malaki ang pagkakahawig ni Gol­den Canedo sa hitsura ni Sarah Geronimo nu’ng nagsisimula pa lang huli. Maging sa pagkanta ay may ­tunog-Sarah itong bagong hirang na Champion ng “The Clash” ng GMA-7.

Napakinggan namin at napanood si Golden during its grand finals at tunay namang malakas ang hatak niya sa mga tao. Hindi kami magugulat kung very soon ay i-pro­ject ito ng GMA-7 bilang bago nilang singing sensation and star lalo pa’t ang host ng “The Clash” na si Regine Velasquez ay balitang nasa ABS-CBN na.

At this early nga ay pinag-uusapan na ang season 2 ng naturang singing search at excited nga sina Lani Misalucha, Ai-Ai de las Alas at Christian Bautista sa kanilang pagbabalik. Inihahanda nga raw nila ang lahat ng ito without Regine na siya pang nag-anunsyo during its final episode na magiging “Studio 7” na ang title ng show sa pagbabalik nito.