Una sa Balita

John Lloyd, Ellen hiwalayan mas kaabang-abang kesa sa binyag ng baby

By
0 4,476

Kumpirmado na ngang nanganak si Ellen Adarna. Siyempre, si John Lloyd Cruz ang tatay.

Sa kumpirmasyon ng panganganak ng sexy star, natural, ang binyagan naman ang kasunod na uuriratin ng media pati na mga ninong at ninang, huh! ‘Yan ang next chapter na aalamin ng media.

Ganyan naman ang cycle ng lovelife ng dalawang artistang nagkakagustuhan. Ito nga lang kina JLC at Ellen, whirlwind romance ang nangyari kaya nagkagulatan ang lahat!

After Liz Uy at Angelica Panganiban, kay Ellen lang pala bibigay si Lloydie. Why not? Mayaman ang angkan ni Adarna sa Cebu City so magpakasal man silang dalawa, hindi sila kapwa maghihirap dahil milyonaryo na rin kung tutuusin si John Lloyd dahil sa rami ng kinita niya sa pagiging atista.

Marami pang aaba­ngan kina John Lloyd at Ellen. Huwag nga lang dumating sa masaklap na chapter ang buhay nila na mauuwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon, huh!

Pero alam niyo naman ang showbiz, mas ‘yun ang inaabangan nila, ang hiwalayan.

Roselle pinarangalan, Mother Lily proud nanay

Ipinaubaya ni Mother Lily ang limelight sa anak na si Roselle Monteverde sa nakaraang 2nd EDDYS Awards ng Society of Philippine Entertainment (SPEED) na ginanap last Monday sa The Theater, Solaire Resorts & Casino.

Isa si Roselle sa tumanggap ng Rising Producers Circle Award together with Veronique del Rosario ng Viva Films. Ito ang unang achievement award na tinanggap ni Ms. Roselle mula nang pamahalaan niya ang paggawa ng pelikula ng Regal Entertainment.

Minabuti ni Mother na hindi dumalo sa awards night. Pero nandoon pa rin ang bilin niya sa mga kaibigang editor na alagaan ang kanyang anak. Kapag present nga naman siya, may chance na matabunan niya sa eksena si Roselle, huh!

Of course, proud Mom si Mother sa pagkilala ng SPEED kay Roselle. May mga isyu man siya sa ilan nitong project, hindi rason ito para mawala ang suporta niya sa anak.

Eh sa totoo lang naman, unti-unti nang nagagamayan ni Ms. Roselle ang pulso ng manonood sa bawat pelikulang ihain niya sa publiko. Pati taste ng mga millennial ay kapado na niya.

Ang latest project ng Regal na ‘Unli Life’ na pinagbibidahan ni Vhong Navarro ay isa sa eight official entry sa coming Pista ng Pelikulang Pilipino 2. Nangangamoy box-office hit ito dahil sa announcement ng mga entry ay palakpakan ang taong dumalo sa trailer nit, huh!

Congrats, Madame Roselle! Also, to Miss Veronique.

Who knows, sa awards na tinanggap nina Roselle at Veronique, matuloy na ang joint production ng Regal at Viva na matagal nang plano pero hindi matuloy-tuloy, huh!