Una sa Balita

John Lloyd, Ellen, anak na si Elias todo pasyal sa Japan

0 556

Ni: Glenn Regondola

Hot item pa rin talaga sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz kahit nasa hiatus na nga ito pareho sa showbiz at ini-enjoy na lang ang kanilang ‘family’ life. Muli nga namang pinag-usapan ang dalawa dahil sa kanilang bakasyon sa Tokyo, Japan kung saan ay nakita sa larawan na kasama nila ang kanilang anak na si Elias Modesto, pero dahil bagets ito ay tinakpan ito ng emoji.

Kuha nga raw na karga-karga ito ni Lloydie na katabi si Ellen habang magpapa-picture sila na ang background ay ang pamosong Disney castle.

May isa pa nga raw na nasa stroller ang bata, kasama ang dalawa at ang iba pang Adarna clan at kitang-kita ang kaligayahan nila.

Maraming fan ang nakaka-miss lalo na kay John Lloyd na isa sa pinakamagaling na aktor sa atin, pero dahil nga sa ngalan ng pag-ibig ay isinantabi na muna ang showbiz career.

Well, ang importante ay happy fam sila, noh!

Zeus Collins wagi ng P1M sa ‘MTWI’

Nang dahil sa bahay na isang taon nang nakatengga ang pagpapagawa ay talagang ginawa lahat ni Zeus Collins ang puwede niyang gawin upang manalo ng isang mil­yong piso sa kabubukas pa lamang na “Minute To Win It.”

Ang isang minutong makapigil-hiningang challenge ng Hashtags member ay ang pag-aayos ng mga baraha na nasa isang lamesa at kaila­ngan niya ngang i-arrange ito sa mga lamesang naka-assign in chronological order.

Kailangang isang grupo ang Jack, King, Ace at Queen pero kailangang magkasunod-sunod sa kanilang rank.

Halos pitong minuto na lang ang natitira nang magawa ito ni Zeus and upon verification ay pak na pak! Getz niya ang isang miyong piso!
Siyempre, ang u­nang mga natuwa sa tagumpay niyang ito ay ang kanyang mga magulang na puring-puri siya sa pagiging isang mabait at matulunging anak.

Hindi pa naman kaagad mapapaayos ang nasabing bahay dahil kailangan pa rin siyempre ni Zeus na maghintay sa release ng kanyang napanalunan at baka hindi rin buo niyang makukuha ito dahil maaaring may tax na nakapataw.
Well, ang importante ay sa magandang purpose mapupunta ang kanyang pinaghirapan, noh!