Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

John Lloyd ‘di inimbita ni Ellen sa b-day ni Elias

0 629

Super happy mommy si Ellen Adarna sa 2nd birthday ng kanyang anak na si Elias.

Sa Instagram post ni Ellen, inalala niya ang mga good memory nilang mag-ina tulad ng pagtatampisaw sa beach, paglalaro sa perya, at pagtugtog ng piano ni Ellen para sa kanyang anak.

Sa IG story naman ng dating sexy actress, makikita ang cake na hinanda nito para sa anak, gayundin ang cute Superman costume ni Elias.

At ipinakita rin ang sangkatutak na handa ng bata, at pati na ang bonggang dekorasyon nito.

Sabi nga ni Ellen, ang bongga ng birthday party ng anak niya, na kahit walang bisita ay tuloy pa rin.

Samantala, kapansin-pansin naman na wala sa mga post ni Ellen ang tatay ng kanyang anak na si John Lloyd Cruz.

Maging sa Instagram feed ng aktor ay wala ring makikitang pagbati para kay Elias. To think na nasa Cebu rin naman si Lloydie, di ba?

Mukhang hindi pa rin in good terms ang dalawa matapos mabalita ang paghihiwalay nila noong 2019. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.