Una sa Balita

John Lloyd bibida sa Juan Luna

By
0 72

Remember Ana Bautista? Ang dating Viva artist na talent manager, at producer na ngayon.
Anyway, next year ay bonggang pelikula ang type niyang iprodyus, at si John Lloyd Cruz ang gusto niyang maging bida.

Bongga nga ang movie na ito kung sakaling tanggapin ni John Lloyd, ang Juan Luna. Na ang kabuuan ng pelikula ay kukunan sa Europe.

“Hindi pa tapos ang script ng Juan Luna. Plano naming mag-shoot abroad, sa Europe. We’re still working on the script, kasi historical, eh. Hindi kami puwedeng magkamali. Ang aking research guy ay si Vic Torres ng LaSalle,” unang kuwento ni Ana.
Bakit Juan Luna?

“This is something na may appeal sa international market. I just don’t wanna concentrate sa Filipino market, kasi mas global na dapat ang isipin mo. And plano ko siyempre na i-sell ito sa abroad. At sa abroad ang binibili talaga nila ngayon ay mga historical.

“The only way na para maibenta mo ang project mo, dapat it caters your own culture. Hindi ka puwedeng sumabay sa Hollywood. You have to have uniqueness,” sey ni Ana.

Si Tikoy Aguiluz ang gustong kunin na director ni Ana. Pero, naiisip din niya si Adolf Alix, Jr. na puwedeng magdirek.

“Pero si John Lloyd talaga ang gusto ko na gumanap na Juan Luna. Wala akong makita na ibang puwede. Wala talagang iba.

“We’ll see. Wala pang negotiation.

“Pero sana makuha namin. At saka, ang alam ko ang gusto rin talaga ni John Lloyd na mga pelikula ngayon ay ‘yung parang mga ganito raw. Well, sana tanggapin niya,” say pa ni Ana na pretty pa rin ngayon at puwedeng-puwede pa rin talagang sumabak sa aktingan.

Pero sa ngayon, nakatutok din si Ana sa project na Gladiator Cage, na ang founder ay ang talent niyang si Laurence Canavan. Ang Gladiator Cage ay non-profit organization na tumutulong sa mga less fortunate MMA fighters.

Bale siyam na MMA figthers ang tinutulungan nila ngayon sa pagti-training.