Una sa Balita

John Lloyd ayaw nang makipag-usap sa mga kaibigan sa Cebu

0 1,248

abante-anything-goes-jun-lalinKahapon ay kausap ko ang source ko na madalas kong nakakausap at nagbibigay ng mga kuwento tungkol kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Malapit kasi ang taong ‘yon sa isang auntie ni Ellen.

Pareho kasi silang mga taga-Cebu.

Tinanong ko siya tungkol sa hiwalayan nina John Lloyd at Ellen, pero tanging ang nasabi niya ay confirmed ang bagay na ‘yon dahil hindi naman ikinakaila ng mga tao sa Cebu na malalapit kay Ellen at nakakausap niya, pero hindi raw nagdedetalye.

Kung noon daw ay palakuwento ang mga nakakausap niya tungkol sa ka-sweet-an ng dalawa, ngayon daw na nag-sour na ang relasyon nina Ellen at John Lloyd ay tahimik lang ang mga ito.

Actually, ang mga kuwento lang tungkol kay John Lloyd ay ang tungkol sa ilang mga kaibigan na gusto itong “tulungan” katulad ng isang fashion desig-ner na malapit sa aktor, pero after daw nitong makausap ang kaibigan (actually, may isa pa siyang kasamang nakipag-usap daw sa aktor) some weeks back, biglang hindi na lang daw nila nakausap ulit si Lloydie.

Tinext ko ang fa-shion designer na ‘yon at nag-“Hi!” ako, pero hindi siya nag-reply at feeling ko ay alam niyang tatanungin ko siya tungkol sa kaibigang aktor.

Well, sana lang ay dumating ang pagkaka-taon na both John Lloyd at Ellen ay magsalita na sa issue na ito, huh!

Singer tinanggihan ng prodyuser sa LA

Tsika sa akin ng isang nagpo-produce ng shows sa Los Angeles, California, napuyat daw siya sa meeting niya sa isang promoter dahil kino-convince siya na i-produce ang concert ng isang singer na very visible sa isang show ng isang TV network.

Tumanggi raw siya. Next month na raw kasi ang simula ng concert tour ng singer at magagahol daw sila sa oras sa pagbebenta ng tickets at paghahanap ng sponsors.

“Ayokong malugi!” sey niya.

Napakarami na rin kasing naka-schedule na mag-show sa LA plus may shows din ang TFC (The Filipino Channel) at GMA PinoyTV, kaya mahirap daw makipagsapalaran.
Well…

Mayor Isko inaabangan ng mga Pinoy sa US

Ilang Filipino associations sa Amerika na may pa-award ang gustong imbitahan at bigyan ng parangal si Manila Mayor Isko Moreno.
Pero makakaalis ba si Isko sa Manila, lalo na’t tutok na tutok siya sa kanyang kinasasa-kupan?

Sa ngayon, prio-rity talaga ni Isko ang Manila at mukhang matatagalan pa bago siya makapag-relax dahil marami talaga siyang gustong baguhin gor the better sa lugar na ‘yon!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy