Una sa Balita

JOHN LLOYD, AYAW GAMITIN NI SHAINA!

By
Shaina Magdayao
0 5
Shaina & John Llyod

Matagal na ring walang karelasyon si Shaina Magdayao na ang huling naging seryosong relationship ay kay John Lloyd Cruz pa na nagwakas noong 2012. Na-link din siya kina Matteo Guidicelli at Piolo Pascual pero wala namang kumpirmasyon ang mga ito.

Kaya, sa presscon ng teleseryeng The Better Half ng ABS-CBN na magsisimula na sa Lunes, Feb. 13, naging curious ang mga entertainment writers kung kelan siya muling iibig.

“Ako naman, much as I would like to, parang meron pa akong purpose kung bakit nandito pa ako sa industriya. Maski ako, dumating ako sa point na kinuwestiyon ko, but after this presscon, I’ m signing again for 2 more years sa ABS (CBN), so, medyo ihu-hold muna natin siya nang konti ulit,” sabi ni Shaina.

“And, naniniwala naman ako na puwede naman siyang sabayin (love at career), pero sa ngayon, nau-overwhelm kasi ako sa ganda ng pagpasok ng 2017 ko. And, napaaga pa ang airing namin ng The Better Half na parang naka-set siya na akala ko ay mid-year pa.

“But, hayun, marami ang dumarating na blessings. And as much as possible, gusto kong i-direct ‘yung full attention ko kasi hindi biro ‘yung mga naibibigay na project sa akin ngayon.

“So this is the first in years na na-renew ulit ‘yung passion ko, and I hope makita na ako personally ay sobra ko siyang niyakap, si Camille (ang papel niya).

“So, medyo malayu-layo pa kapag nagkaroon na ako at natagpuan ko na ang aking better half,” dugtong pa niya.

Ilang taon pa ba niyang binibigyan ang sarili niya para muling umibig?

Aniya, “Actually, parang mas inip pa ang mga tao kaysa sa akin. Ha! Ha! Ha!

“Tagal na tagal na po ba kayo? Ah, ilang years ago, I admit na hindi pa talaga ako ready.

“Siguro, dumaan muna ako dun sa proseso na kailangan ko munang buuin ‘yung sarili ko.

“Ang sarap-sarap sabihin na, you know, buo na ako.

“I don’t really need someone else, but kung ibi-bless ka ng Diyos with your other half, or better half, parang mas maganda kasi mas marami kang isi-share.

“Kasi buo ka na mismo. And I guess, ‘yun ang matagal na proseso na kinakailangan kong pagdaanan. But, oo naman, ready ako, pero wala pa, e. Babalitaan ko naman kayo.”

Pero, handa ba siyang makipagbalikan lalo na kay John Lloyd na wala ring ka-relasyon ngayon?

Sabi ng Kapamilya actress, “Naku, talagang ‘yun pa.

“Ganito po, pag-iisipan ko tapos ba­balitaan ko kayo.

“Medyo ayoko munang masagot ngayon bilang nagpu-promote po tayo.

“Alam naman natin na mahirap mai-drag ‘yung mga pangalang hindi naman kasama sa show.

“`Yun din naman ako, alam niyo naman. I’m very careful na masabihan na binabanggit ko ‘yung hindi naman kasama.”