Una sa Balita

John Lloyd, Angelica movie sigaw ng mga fan

0 536

Mukha­ng umaariba na muli ang Star Cinema ngayon­ sa box office matapos tumabo nang husto ang movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na The Hows of Us na inungusan ang huling pelikula ni Vice Ganda last Metro Manila Film Festival na Gandarrapido kasama rin si DJ at Pia Wurtzbach, produced by Star din, at heto naman ang sumunod nilang offering na Exes Baggage kung saan mainit na tinangkilik din ng movie-paying-public ang reunion ng mag-ex jowa na sina Carlo Aquino at Angelica Pa­nganiban!

Imagine, in just two days, almost P45 million na ang kinita ng Exes Baggage!

Malaking tulong at marami rin lalo siguro ang nagkainteres sa dalawa at sa reunion movie nila dahil sa kontrobesiyal na guest appearance nila sa GGV ng current Phenomenal Box Office Star last sunday night.

Na-pressure nga si Angge sa isang netizen na nag-comment sa post niya na kinita so far ng pelikula nila sa Instagram account na sinasabing kailangan daw ay magkatuluyan na silang dalawa ni Carlo, dahil malaki na raw ang nagagastos nila (malamang sa pagbayad sa mga sinehan para makanood ng Exes Baggage at kumita ito ng bongga!)! Ngayon lang daw siya na-pressure ng ganito, sagot ng aktres.

Matapos ni Carlo, sino naman kaya ang ex-boyfriend ni Angelica ang papayag siyang makatambal niya sa next film niya? Could it be John Lloyd Cruz o Derek Ramsey na pareho naman na gumagawa rin ng pelikula sa Star Cinema. Parang ako bet ko munang si Derek. Why not, ‘di ba?

Otherwise, kahit hindi ex-jows, bakit hindi rin si Papa Zanjoe Marudo na leading man niya sa morning teleserye nila sa ABS-CBN na Playhouse? Panalo rin ang chemistry nila at click din ang tambalan nila na nakakakilig!

Karen Davila madalas mawalan ng boses

Marami ang nagtataka kung bakit mahigit limang buwan na yatang hindi napapakinggan si Karen Davila sa radio program nito na Pasa­da Sais-Trenta sa DZMM Teleradyo with Vic de Leon Lima tuwing alas-kuwatro nang hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Pero kahit ilang buwan na o magkakalahating taon nang hindi napapakinggan sa radio show nila ang broadcast-journalist ay binabanggit pa rin ang pangalan nito sa opening credit ng kanilang palabas.

Nakaka-miss din kasi hindi lang ang boses ni Karen kundi ang kanyang opinyon at komento sa mga napapanahong issue sa lipunan!

I heard, nawawalan ng boses si Karen kapag dere-deretso siyang tumatalak sa radyo ng isang oras sa pag-interview ng kanilang guest ni Vic at sa pagbibigay ng kuro-kuro. Bukod diyan ay may morning show din siya on ANC na Headstart, Mondays to Fridays, kung saan siya rin ang host and of course, more chika rin siya ro’n with her guest/s.

Sa gabi naman ay may Bandila news program on ABS-CBN si Karen with Julius Babao. Late na rin daw nakakatulog si Karen dahil sa work. Eh, ‘di ba, nakakaapekto ang puyat sa boses tapos gigising pa siya nang maaga for Headstart. Kaya siguro madaling ma­latin o mawalan ng boses ang news anchor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy