Una sa Balita

John Estrada vs Michael V. sa ‘Pepito’

By
0 293

abante-talbog-joe-barramedaBongga ang Pepito Manaloto at bigatin ang mga guest nila ngayong weekend gaya nina John Estrada, Alma Concepcion, Neil Ryan Sese at ang mukhang regular figure­ na si Chariz Solomon.

Maganda kasi ang bonding ng regular­ cast na gaya ng Bubble Gang ay ilan taon na rin umeere.

Parehong pinangangalagaan ni Michael V. ang shows na yan at kaya tuloy ang suporta ng GMA Management.

Mukhang magbabakasyon ng 2 weeks taping­ ang Pepito at Bubble Gang dahil kailangan lumipad pa Amerika ang direktor nila for some personal concern. Gayun pa man ay may mga advance taping na sila habang wala ang direktor at hindi sila mami-miss ng regular viewers nila.