Una sa Balita

John Estrada minulto sa Batangas

0 798

Inamin ng aktor na si John Estrada na kung may kinakatakutan daw siya, ito ay ang multo.

Naikuwento ito ni John sa naganap na premiere night ng pinagbibidahan niyang indie film na “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story” sa Lipa, Batangas. Habang sinu-shoot daw nila ang pelikula sa bahay mismo ng pinaslang na mayor ng Tanauan na si Antonio Halili, marami raw silang nararamdaman na kakaiba.

“Ilang beses kasing namamatay ‘yung ilaw na wala namang gumagalaw. Bigla na lang nagkakaroon ng problema sa audio kaya paulit-ulit kami ng take.

“Gusto rin ni Direk na ‘yung mga personal things ni Mayor Halili ay gamitin ko, tulad noong necklace niya, ‘yung ilang damit. Hindi lang nagkasya sa akin ‘yung sapatos.

“Nag-shoot kami mismo sa bahay ni Mayor. Pati ‘yung bedroom nilang mag-asawa ay nag-shoot kami ng mga eksena roon. Pati ‘yung sasakyan niya ay ginamit for authenticity.

“‘Yun nga lang, marami kami nararamdaman na kakaiba during the shoot. Minsan biglang magkakaroon ng malamig na hangin pero hindi naman humahangin sa labas. Tapos ‘yung ilaw nga, patay-sindi siya.

“It came to a point na napikon na ako kasi sa totoo lang, takot ako sa multo. Sa laki kong ito, multo ang kinakatakutan ko talaga,” sey ni John. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy