Una sa Balita

John E., gaganap na ama at ina!

By
John Estrada
0 4

Balik acting agad si John Estrada bilang isang sundalong haharapin ang pinakamatinding laban niya sa buhay — ang pagiging isang ama at ina sa kanyang mga anak ngayong gabi (Jan 21) sa MMK.

Kilala si Recho (John) ng marami bilang isang matapang at masipag na sundalo na nagsisilbi para sa Philippine Army. Pero sa harap ng kanyang dala­wang anak na sina Angelique (Jane de Leon) at Lorenz (Bugoy Carino), siya ay isang mabait at maunawain na ama.

Magbabago ang ikot ng mundo niya nang tulu­yang nawasak ang pagsasama nila ng kanyang asawa na siyang naging sanhi para bigla siyang maging single father. Paano malalampasan ni Recho ang pagsubok na ito? Paano niya magagawang mag­silbi sa bayan at itaguyod ang mga anak ng mag-isa?

Kasama rin sa episode na ito sina ­Jerome Ponce, Rochelle Barrameda, Ma­rilyn Villa­mayor, R­onnie Quizon, Erin Ocampo, ­Jomari Angeles, Ma­nuel Chua, Marco Masa, Miel Espinoza, at Alex Castro. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Frasco Mortiz at sa panulat ni Arah Badayos at Akeem Del ­Rosario. Ang ‘MMK’ ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Panoorin ng libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph oskyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.