Una sa Balita

John, Alden palaban sa salpukan kay Coco

By
0 527

Seryoso talaga itong si John Estrada na mabigyan o maturuan daw ng lesson ang isa sa mga katoto natin sa panulat.

“Naunahan lang ninyo ako, pero sabay ng pag-ere nitong ‘Victor Magtanggol’ (July 30), dapat ko na ring ipagtanggol ang reputasyon at katotohanan,” seryosong pahayag nito.

Ito nga raw darating na linggo ay nakatakda na niyang isampa ang kaso laban kay katotong Ador Saluta, na umano’y nagsulat ng mali-maling balita hinggil sa pangyayari sa set ng huling teleserye niya sa ABS-CBN at sa kasama niyang si Mylene Dizon.

Ayaw nang balikan o ungkatin ni John ang usapin dahil aniya, “‘Yung pagdamay sa asawa ko, ‘yung disrespect nang idamay niya ito sa mali-maling impormasyon, ‘yun ang hindi ko mapapatawad.”

Wala raw siyang natatanggap o nakukuhang paghingi man lang ng apology o pag-correct sa maling naisulat mula sa ating katoto kaya’t itutuloy raw niya ang pagkaso dito.

Papel ni Luki ang ginagampanang role ni John sa ‘Victor Magtanggol’ kung saan susubukin ang husay ni Alden Richards.

And yes, handa raw sila sa salpukan laban sa serye ni Coco Martin. Sa ganda nga raw ng fantaserye nila, hindi sila mahihiyang ipagmalaki ito.