Una sa Balita

Joey pinarangalan ang ‘Eat Bulaga’ staff

0 1,447

abante-paistaran-dondon-serminoSa loob ng apat na dekada, naging institusyon na ang noontime variety show na ‘Eat Bulaga’ sa pagbibigay ng tuwa at ligaya sa bawat Pilipino saanmang sulok ng mundo.

Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami na ang success ng programa ay ‘di lamang dahil sa mga host at engaging segment, kundi pati na rin sa hard working staff sa likod ng kamera.

Ayon kay Joey de Leon, isa sa mga haligi ng programa, ang pagkakaroon ng dedicated, passionate at hard working staff ang isang sikreto kaya nakakapaghatid sila ng magandang palabas sa telebisyon.

“We feel blessed that we are entering our 40th year dahil wala namang ibang makakapagsabi na naabot nila ang ganitong milestone sa Philippine television history. At sa likod ng success na ito eh ang men and women ng production team and management na nagbigay ng kanilang undivided time and passion sa programa.”

Dagdag pa ng comedian na in reality, mas madali ang trabaho ng mga host ng show kung ikukumpara sa mabusisi at time consuming na tasks ng production team.

“Actually ‘yung staff namin pwede na rin sila mag-host kasi alam na nila ang mga gagawin namin. Alam nila lahat ng aspeto ng programa dahil ang iba dito eh dekada na din ang itinagal sa trabaho. Nakaka-proud na makatrabaho ang mga tao sa Eat Bulaga because they are the best in the business.”

Personal din na na-experience ni Joey at ng ibang host ang production work sa pamamagitan ng special anniversary web series na pinamagatang ‘Eat Bulaga Behind the Scenes’ (EB BTS).

Ayon sa management, ini­lunsad ang EB BTS para na rin matunghayan ng mga netizen ang day-to-day routine ng production team.

“We are a small group but we’ve always been the leader in this format and on this timeslot. Gusto namin makita ng viewers kung anong nangyayari behind the camera at ‘yung segments na minahal nila. I think it is high time na ma-acknowledge ang mga tao sa production na nagta-trabaho day and night para makapag-produce ng quality programming,” saad ni Jeny Ferre, SVP for Creatives and Operations ng Eat Bulaga.

Ruby, Wally naawa sa ‘Juan For All’ staff

Sa mga paunang episode ng EB BTS, nasubukan ni Pauleen Luna na maging production assistant habang naging social media manager naman sina Joey de Leon at Ryzza Mae Dizon.

Samantala, sina Ruby Rodriguez, Pia Guanio at Luane Dy ay naging parte naman ng Sugod Bahay team bilang mga ‘Juan For All (JFA) registration staff, executive producer and location manager.

Ayon kay Ruby, ang pagkakaroon ng firsthand experience sa remote works ng EB team ay nagbunsod ng bagong appreciation sa mga tao na walang pagod na nagtatrabaho upang makagawa ng isang systematic at organized na JFA segment.

“I appreciate them more because I saw how hard it was. Sa experience ko as registration staff, hindi lang naman isang bahay ang binisita ko, kundi lahat ng bahay sa area na ‘yun. Pagkatapos ng trabaho eh babalik pa sila sa office at tatawagan ang bawat pa­milya na nag-register.”

Dagdag pa ni Ruby na kung susumahin, 24-hour job ang ginagawa ng mga Eat Bulaga staff.

“‘Yung nakikita natin sa television ay parte lang ng isang malaking trabaho kasi kahit sila ay tulong-tulong sa demands ng programa. Actually kaming mga host, mas madali ang task namin dahil execution na lang trabaho iisipin mo. Ang mga mukha sa likod ng camera ang may mas malaking tungkulin na mag-provide ng isang maganda at quality na programa.”

Alden, Maine sumalang sa EB BTS

Para naman kay JFA regular Wally Bayola, ang kanyang background sa teatro at ang ilang taong experience sa pag-host ng show ay hindi sapat sa hirap na naranasan niya bilang full-day writer ng Eat Bulaga.

“Akala ko easy, easy lang na kunyari nagsusulat lang, pero hindi pala. Talagang mag-iisip ka at mag-pitch in ka ng idea mo. Kailangan din mabilis ka mag-isip kasi live ‘yung program. Nagsisimula lang ang trabaho ng writers dito after the show. Mag-meeting sila para mag-brainstorm kung ano ang magandang gawin for the next day maliban pa sa production number sa Sabado. Kailangan alerto ka talaga sa trabaho,” kuwento ng kome­dyante.

Para kina Ruby, Joey at Wally, ang oportunidad na maging parte ng production team ay nagbigay ng new found respect sa mga tao sa likod ng kamera. Sumang-ayon ang tatlo na hindi magiging successful ang Eat Bulaga sa loob ng apat na dekada kung hindi din dahil sa mga taong bumubuo dito.

“Sila talaga ang mga unsung heroes ng Eat Bulaga. Mas madali ang trabaho dahil sa competency nila. Tulay rin sila sa pagpapatuloy ng pangako ng show na magbigay ng pure entertainment at mag-extend ng tulong sa milyung Pilipino worldwide,” pagtatapos ni Joey.

‘Wag palampasin ang mga past episode at upcoming appearance nina Allan K., Maine Mendoza, Alden Richards, Jose Manalo at ang buong Dabarkads family sa “Eat Bulaga Behind the Scenes” na mapapanood sa official YouTube channel ng programa (http://www.youtube.com/eatbulaga1979).