Una sa Balita

Joey Marquez nilaglag ang mayor ng kanyang anak

0 842

Nagulat lahat ng mga botante sa lungsod ng Parañaque matapos pormal na inendorso ni dating City Parañaque Mayor Joey Marquez ang Team Bagong Paranaque (TBP) sa pangunguna ni incumbent Mayor Edwin Olivarez sa darating na halalan ngayong Mayo 13.

Sa political rally ng TBP sa Barangay BF nitong weekend, itinaas ni Marquez ang kamay ni Olivarez matapos ng kanyang talumpati na imbes na si dating Mayor Florencio Bernabe, kandidato sa ilalim ng Lakas-NUCD.

Ang anak ni Marquez na si Jeremy ay running-mate ni Bermabe ngayong halalan na dapat suportahan ng matandang Marquez. Si Jeremy ay dating Barangay chairman ng BF at ang kanyang katungali ngayong halalan ay si incumbent Vice Mayor Rico Golez.

“Sinusuportahan ko si Mayor Olivarez ngayong election dahil sa marami siyang magagandang proyekto para maiangat ang kabuhayan ng mga residente. Bukod dito, nakabayad ang lungsod sa kanyang administrasyon P2 billion na utang ni Bernabe noong siya ay alkalde,” paliwanag ni Marquez.

Tumaas din ang acceptance ni Olivarez sa mga surveys matapos siyang i-endorso ng mga miembro ng local chamber of commerce, grupo ng professionals at mga kilalang political kingpin sa lungsod tulad ng mga Tambunting, Golez, Ferrer, Sotto at Benzon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More