Una sa Balita

Joey Marquez ayaw pang ipakasal si Winwyn kay Mark

By
0 448

Pabirong sinabi ni Joey Marquez na kung siya ang masusunod, mas gusto niyang edad 42 na mag-asawa ang kanyang beauty queen na anak na si Winwyn Marquez. Siyempre, bilang isang ama, mas gusto niyang tuparin muna nito ang mga pangarap sa buhay bago lumagay sa tahimik.

Lalo na nga at marami siyang pro­ject na tinututukan ngayon at nag-start na rin siya ng kanyang movie career kung saan kasama siya sa movie­ ni Vhong Navarro, ang ‘Unli Life’ ng Regal Films Inc. na isa sa entries sa darating na Pistang Ng Pelikulang Pilipino 2018.

Natawa si Winwyn sa sinabi ng kanyang ama, pero sinigurado naman niya kay Joey na wala pa siyang planong mag-asawa at medyo matagal na ito.

Paano na raw si Mark Herras na nasa tamang edad na rin para magkaroon ng sariling pamilya?

Napag-usapan na raw nila ito ni Mark at hindi naman ito nagmamadali na yayain siyang magpakasal. Handa naman daw itong maghintay, kaya, habang may mga opportunities na dumarating, grab lang muna siya nang grab.

Ngayon na lamang nagsisimula ang magandang career ni Winwyn, kaya mahaba-haba pa ang waiting time ni Mark nito. Well….love can wait nga raw. Charrr!