Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Joey, Bayani naiyak sa awa kay Bearwin

0 92

Nainis, naiyak sina Joey Marquez at Bayani Agbayani sa nangyari kay Bearwin Meily. Malaki nga ang problema sa pera ni Bearwin, at nabenta pa niya ang bahay nila.

“Naiinis ako sa’yo pinaiiyak mo ako! Ang sabi ko nga parati kailangan resilient ka eh. May mga pagkakataon talaga na nasa baba tayo, may mga pagkakataon talaga na nasa taas tayo minsan. Kilala ko si Bearwin. Noong nagtatrabaho kami niyan, lahat gagawin niyan mapatawa lang ang tao. Minsan may ginagawa ‘yan, lumulon ng goldfish para mapatawa lang kami. Kaya natutuwa ako sa kanya dahil ngayon, kahit na medyo down tayo lahat, nagsu-survive siya at saka tingin ko talaga kay Bearwin, survivor ‘yan eh. Masipag, mabait na kasama at saka mapagmahal sa pamilya,” sabi ni Joey.

“Parekoy, brother, alam mo, lahat ng problemang dumarating sa buhay natin, lahat ‘yan may katapusan, may katapat na solusyon, at alam ko dahil sa matinding pananampalataya mo at pananalig sa Panginoong Diyos, kayang kaya mo ‘yan,” saad naman ni Bayani. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.