Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Joeffrey Biare empleyado noon, social media influencer ngayon

0 213

Sa panahon ng pandemya hindi biro ang mawalan ng trabaho. Una mong maiisip ay kung paano mo masusustentuhan ang pamilya mo na tanging ikaw lamang ang inaasahan. Kaya napakahalaga sa panahon ngayon na meron kang mapagkukunan.

Pero taliwas yan sa kwento ni Joeffrey Biare na isang ordinaryong empleyado sa isang pribadong sektor na mas piniling iwan ang corporate world at pasukin na lamang ang industriya ng social media (tarayy!! bongga ka jan besh!).

Bago natin kilalanin si Joeff wag kalimutan panoorin ang programang Aba Trending! Tuwing Linggo alas-3 ng hapon sa Abante Radyo Tabloidista FB page.

(Okay! Going back) Si Joeff ay dating namasukan sa mga corporate company at dahil matagal na sa industriya maraming na siyang naging karanasan iba-ibang kultura, iba-ibang tao, iba- ibang pakikisama at ang higit sa lahat ay ang iba’t-ibang pag-uugali.

Speaking of attitude, kadalasan tumatagal ang isang empleyado sa isang kumpanya dahil sa mga nakakasama nito pero kung toxic na ang iyong katrabaho pwes! Mag isip-isip ka na ng fallback mo.

Pero para sa mga netizens at mga chismosa nating kapitbahay kahit na baguhan lamang sa industriya ng social media si Joeff maituturing parin na isang success story ang kanyang kwento dahil hindi lahat ay kayang mag sakripisyo ng kanilang trabaho at sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan kung siya ba ay magtatagumpay dito.

Related Posts

Buwan ng Nutrisyon

Pumitas ng puno

Umihi sa garahe

Nang aking maka-kwentuhan si Joeff tinanong ko siya kung ano ang nag push sa kanya na baguhin ang kanyang line of work bilang wala naman siyang background sa larangan ng influencing.

“Pandemic ngayon so karamihan naka-tutok lang sa internet puro social media why not pagkakitaan nalang natin” humahalakhak na pahayag ni Joeff.

Bukod sa pagiging isang influencer na bukas din ng negosyo si Joeff (Sana all negosyante!) ito ay tinawag niyang Thrive Clothing isang clothing line na ang target market ay mga millennials at mga kabataan, sa ngayon ay wala pa itong physical store pero available na online ang kanilang mga produkto, kasama niya rito ang kanyang maituturing na bestfriend at business partner na si Jen Villasis.

Nang aming mapag- usapan ang business ay natanong ko kung bakit clothing line ang kanilang naisip na inegosyo sino o ano ba ang naging inspirasyon nila dito at aniya.

“No specific person or individual naman na nag influence, our goal lang is to spread positivity thru our shirts. To remind everyone to stay positive despite of the current situation. #WearPositivity Lol.”

At para kay Joeff ang bagong karera na kanyang tinatahak sa ngayon ay isang malaking responsibilidad bilang maraming millennials at mga kabataan ang na-iinspire sa kanya kaya mas pinili niya to spread positivity at hindi gaya ng ibang social media influencer na puro ka- negahan sa katawan (oopps!! Wala akong pinapatamaan Lol).

Kaya naman Joeff mula sa iyong mosang kapitbahay #KeepGoing and always stay positive at ang higit sa lahat spread love and good vibes!

Leave A Reply

Your email address will not be published.